^

Pang Movies

Enchong naudlot ang planong bakasyon!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bago pala nagsimulang mag-shooting si Pokwang ng Call Center Girl, nagkaroon sila ng immersion nina En­chong Dee at Jessy Mendiola. Buhay kasi ng mga call center agents ang role nila kaya gusto nilang ma-feel ang totoong nangyayari sa mga call centers at sa mga nagtatrabaho roon.

“Ibang-iba ang buhay nila kaysa mga kababayan nating mga Overseas Filipino Workers (OFW),” kuwento ni Pokwang sa press conference. â€œAng pagkakaiba lamang nila sa mga OFW, hindi sila umaalis ng Pilipinas. Sa call centers, spoiled sila dahil lahat ng mga kailangan nila provided for pero iba talaga ang mundo nila. Mahirap din dahil halos hindi na nila nakakasama at nakakausap ang mga kasama nila sa bahay, dahil kapag nakauwi sila, pagtulog ang ginagawa nila.”

Ang Call Center Girl ay collaboration between director Don Cuaresma and Kriz Gazmen for Star Cine­ma and Skylight Films. Two years ago pa pala nila ito binalak gawin at nai-cast na nila si Pokwang na alam nilang makaka-relate sa role dahil dati siyang OFW.

Binalak naman pala ni Enchong Dee na magbakasyon muna abroad for three months before the year ends, dahil nagkasunud-sunod ang projects niya sa movies and TV. Pero dumating ang offer ng Call Center Girl at hindi na raw siya nag-isip pa. Pero tinimbang muna niya kung makabubuti ito sa kanya at alam daw niyang isa itong bagong role para sa kanya, although hindi raw siya namimili dahil parang nagampanan na niya ang lahat ng roles sa TV. 

As of now, wala muna siyang teleseryeng gagawin pero next year may bago siyang movie na sisimulan.

Makakasama nina Pokwang at Enchong sa Call Center Girl sina Jessy Mendiola, John “Sweet” Lapus, K Brosas, Chocoleit, Diane Medina, Ogie Diaz, Alex Castro, Ejay Falcon, Aaron Villaflor, at si Jestoni Alarcon na ibinu­king ng mga kasama nila na malaki raw talaga ang crush ni Pokwang sa actor na una niyang nakatrabaho sa Crazy For You kaya nang malaman niyang makakasama niya ito, pinilit niya talaga si Direk Don na magkaroon sila ng kissing scene. 

Pinag­handaan daw niya ang eksenang iyon pero wala namang passionate kissing scene na ipinagawa si Direk Don sa kanila.

vuukle comment

AARON VILLAFLOR

ALEX CASTRO

CALL CENTER GIRL

DIREK DON

JESSY MENDIOLA

NILA

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with