Miss Universe bantay-sarado nang suutin ang milyones na swimsuit
Ang bagong kinoronahan na Miss Universe na si Gabriela Isler of Venezuela ay nagsimula na ng kanyang duty bilang reyna sa Moscow, Russia noong nakaraang Linggo. Una niyang trabaho ay ang pagsuot at pag-promote ng $1 million (750,000 euros) jewel-studded swimsuit.
Bilang bagong face ng isang Italian lingerie company, nag-pose na agad si Isler sa isang photo shoot sa isang Moscow hotel suot ang mamahaling swimwear na tadtad ng emerald pendants and swirls of diamonds and rubies. May kasama pa itong fur boa na nakaikot sa balakang.
“It’s very simple but very elegant. So, it’s like me,†desÂkripsiyon pa ng bagong Miss Universe.
“We do have armed guards, so don’t get any ideas,†warning pa ng president ng Miss Universe organization na si Paula Shugart.
Hindi naman daw nilinaw ng organizers kung ang swimsuit ba ay for sale or hindi. Pero kung bibigyan daw ng pagkakataon, kukunin ito ng bagong Miss Universe.
“I’m still asking, where are those guards? Because I’ll run with it,†biro pa ni Isler.
Anyway, masaya si Isler dahil sa kanyang pagkapanalo bilang Miss Universe. Siya ang ika-pitong Venezuelan na nanalo ng titulo mula noong 1979.
Benjamin nae-excite makasama si Kylie
Muling makakasama ni Benjamin Alves si Kylie Padilla sa bagong telefantasya ng GMA 7 na Adarna. Sa afternoon series na Unforgettable sila unang nagkasama at maganda ang naging experience ng aktor.
“I love working with Kylie. We have this rapport when we do our scenes together. Madali siyang makatrabaho and pareho kasi kaming makulit. Kaya we get along very well.
“Noong sinabi nila sa akin that I will be one of Kylie’s leading men sa Adarna, I got excited kasi masarap siyang kasama sa work.
“There’s no boring moment with her. Titingnan n’yo siyang tahimik but Kylie is a very funny girl,†kuwento pa ni Benjamin.
For the first time ay gaganap nga na isang bad boy si Benjamin sa Adarna.
Malayo raw ito sa mga nagampanan na niyang roles na sosyal at may breeding.
“Kanto boy ako sa Adarna named Bok. Natuwa ako because it’s very malayo sa roles na ginawa ko sa Coffee Prince and Unforgettable.
“It’s really a character role and I had to observe other people just to get that right movement at sa pagsalita. It’s really liberating and I get to play around with my role,†sabi ng Kapuso star.
Ikinatutuwa rin ni Benjamin na makakatrabaho niya for the first time si Geoff Eigenmann na isa rin sa leading men ni Kylie sa Adarna.
Bukod sa Adarna ay may natapos ding indie film si Benjamin, ang Islands, na isa sa official entries ng Cinema One Originals. Mula ito sa direksiyon ni Whammy Alcazaren.
“Islands is basically a love story of numerous characters told in different timelines and settings. Futuristic ito. In the end, it all gets weaves together.
“I play an astronaut so my character is set in space. This one is different from what I did in Sana Dati, which is a romantic drama. Here I play two roles both astronauts with very minimal lines,†sabi ni Benjamin.
- Latest