How do you behave when you are given the chance na makapareha, lalo’t in a movie, ’yung childhood crush mo?
Pokwang was asked this question sa presscon of her upcoming movie, Call Center Girl (CCG), where she plays the title role. Jestoni Alarcon, who remains her crush daw hanggang ngayon (aside yata from newscaster Henry Omaga Diaz) ay natokang kanyang leading man.
“Hindi ko ipinahahalata kay Sir Enrico (Santos, who heads Skylight Films, producer ng CCG) na tumalon ang puso ko nang banggitin niya ang paÂngalan ni Jestoni na makakapareha ko.
“Well, I promised myself, magbe-behave ako,†susog pa ni Pokwang. “And behave, I did, not unless may eksenang magiging intimate kami sa isa’t isa. Remember, husband and wife kami sa movie.â€
But too bad, according to Pokwang, that Jestoni died sa CCG. Moreover, after a few scenes together, supposedly umalis si Pokwang to work in a cruise.
Supposedly, nag-stay siya sa nabanggit na work for 13 years.
When she returned home, patay na ang karakter na ginampanan ni Jestoni.
Although CCG, is a comedy, may mga dramatic moment si Pokwang, especially with her youngest daughter na ginampanan ni Jessy Mendiola.
Among her three children, si Jessy as Regina, supposedly ang naapektuhan sa kanyang absence. Batang-bata pa ito nang iwanan niya. Nang bumalik naman ito ng Pilipinas, tanging siya lamang ang kanyang nadatnan since her two supposed elder children, played naman by Dianne Medina at Aaron Villaflor, ay may kanya-kanyang sarili ng buhay.
As a Call Center girl daw, marami siyang natuklasan sa buhay ng mga nagtatrabaho sa call center. Kung gaano ang mga ito dedicated sa kanilang trabaho. Never mind na dahil their work calls, if not demand, for them kung minsan na mga unholy hour. Ang importante, disente ang kanilang hanapbuhay.
Second time nang gumanap ng title role sa pelikula si Pokwang (sa A Mother’s Story), she was the Overseas Filipino Worker (OFW) mom there na nawalay din sa kanyang pamilya ng kung ilang taon.
A former OFW talaga bago nag-arÂtista, naranasan daw ni Pokwang ang hiÂÂrap na mapawalay sa pamilya niya for years. Nasa Abu Dhabi siya nang mamatay ang panganay niyang anak na ni hindi niya nakita nang ilibing ito.
Hence, ngayon na tapos na siya sa kanyang pagiging OFW, Pokwang devotes her time, when not busy sa kanyang showbiz commitments, with her teenage daughter who is now in college taking up culinary arts in an expensive culinary school at The Fort sa Taguig City.
This early daw, pinag-iipunan na ni Pokwang ang pangarap ng anak na pumalaot sa restaurant business.
Richard ayaw pakialaman nina Annabelle at Eddie
At the presscon of his family’s upcoming two-part, one-hour special, Inside Showbiz Presents It Takes Guts to be a Gutierrez, Richard Gutierrez said he has no plans na i-confirm o i-reveal kaya ang tungkol sa balitang may anak na sila ni Sarah Lahbati, herself formerly a GMA 7 talent, like him. Basta marami raw kaganapang nangyayari sa kanyang buhay pag-ibig at sa kanyang relasyon sa kanyang pamilya.
Sa kanyang mga anak, inamin ni Annabelle Rama na among her children, si Richard ang pinaka-walang kibo at hindi masalita.
She and Eddie Gutierrez daw respect him for that.
Okay, Annabellle.