MANILA, Philippines - Nang ipinanganak ni “Sarah†ang kanyang bunso, muling nabuhay ang kanyang pag-asa na maging isang ganap na ina. Si “Sarah†kasi ay minsan nang inakusahang nagbenta ng dalawa sa kanyang walong anak.
Sa loob ng tatlong buwan na kapiling ni “Sarah†ang kanyang bunso, naging matinding pagsubok kung paano niya iginagapang ang pagbuhay rito. At sa oras ng kanyang pangangailangan, laging nandiyan ang sampung taon na niyang kaibigan na si “Mina.â€
Isang araw, nagkaroon ng pagkakataon si “Sarah†na kumita ng labinlimang libong piso (P15,000). Sapat na raw ang halagang ito, para simulan ang kanyang bagong buhay. Pero ang presyong ito, katumbas daw ng kanyang bunsong anak.
Tatanggapin kaya ni “Sarah†ang tsansa ng bagong simula, o patuloy siyang manlilimos ng awa? Paano niya muling bubuuin ang kanyang sarili, kung nanganganib na namang mawasak ang kanyang pamilya?
Abangan ang kuwento ni “Sarah†sa Reel Time presents Misericordia ngayong Linggo, 9 p.m., sa GMA News TV Channel 11.