^

Pang Movies

TV host/actor nagpa-hair transplant

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Malakas na ang loob ng isang TV host/actor na i-brush up ang kanyang buhok dahil kumapal na ito sa tulong ng modern science.

Pinoproblema ng TV host/actor ang receding hairline niya. May nagsabi sa kanya tungkol sa bonggang effect ng hair transplant kaya hindi siya nagdalawang- isip.

Araw-araw na napapanood sa TV ang host/actor at napansin ko na talagang kumapal nang todo ang buhok niya sa tuwing napapanood ko siya.

Agree ako sa solusyon na ginawa ng aktor na napagod na sa paggamit ng mga hair grower na wala raw masyadong effect. Malaking datung din ang nagastos niya sa pagsubok sa pinaka-effective na hair grower.

Iba pa rin daw ang hair transplant procedure na mabilis ang resulta at very safe dahil sariling buhok niya ang itinanim sa kanyang anit.

Mga reporter hihigpitan na ng GMA?!

How true na magiging mahigpit na ang GMA 7 sa pagpapapasok ng mga miyembro ng media sa studio ng Sunday All Stars tuwing Linggo para hindi na maulit ang insidente na kinasangkutan ni LJ Reyes?     

Umaani ng mga batikos si LJ dahil sa pagdadabog at pagtataray niya sa mga reporter na nag-attempt na tanungin siya tungkol sa kanyang ex-live in partner na si Paulo Avelino. Ewan ko lang kung kasali sa paghihigpit ang TV crew ng Unang Hirit, 24 Oras, at Startalk na nadamay lang dahil tungkol sa Halloween ang kanilang itinanong. As of presstime, hindi pa nagbibigay si LJ ng explanation kaya sisikapin ng Startalk na kunin ang kanyang panig.

Siguro naman, hindi na magda­dabog si LJ kapag ipinagtanggol nito ang sarili dahil talagang na-hurt ang aming staff sa inasal niya.                              

Cristine binunyag na lahat sa kanila ni Derek

Sumaglit lang si Cristine Reyes sa presscon ng When the Love is Gone noong Miyerkules nang gabi dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Nakaalis na ang maraming reporter sa presscon nang dumating si Cristine kaya ang akala nila, no-show siya. Pero nasulit naman ang mga reporter na nagtagal sa presscon dahil sinagot niya lang ng mga tanong nila sa aktres tungkol sa maiksing relasyon nila ni Derek Ramsay.

Aiai in love nga

May binati ng happy birthday si AiAi Delas Alas, ang tatay ng mhin na sinasabi na bagong inspirasyon niya.

Peter Magnaye ang name ng mhin na nali-link ngayon kay Ai-Ai.

Maliit lang ang mundo dahil may nagsabi sa akin na empleyado ng Star Group of Companies ang dating asawa ng tatay ni Peter.

Yes, dating asawa dahil hiwalay raw na raw ang mga magulang ng bagets na badminton player.

Mama Salve, paki-check mo nga sa ex wife ang tungkol kay Mr. Magnaye kung nag-celebrate kamakailan ng kanyang birthday?

vuukle comment

CRISTINE

CRISTINE REYES

DAHIL

DELAS ALAS

DEREK RAMSAY

MAMA SALVE

MR. MAGNAYE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with