MANILA, Philippines - Wagas na wagas ang pagkahumaling ng Philippine Ballet Theater President na si Cha Cha Camacho sa Be Careful With My Heart. Isa sa dahilan ang teleserye kung bakit naisipan nilang i-stage sa CCP Main Theater sa November 15 and 16 ang Sayaw at Serye bukod sa objective na mawalis sa isipan ng mga tao na pang mayaman lamang ang sayaw na ballet.
Katuwang ng PBT ang ABS-CBN sa palabas mula sa libretto ni Concepcion Camacho base sa popular na theme songs ng teleserye ng Dos. Binigyan ito ng bagong areglo ng ABS-CBN Symphony Orchestra’s music director and conductor Gerard Salonga.
Bibigyan naman ng interpretasyon ang mga kantang maririnig sa ballet musical ng The Voice of the Philippines grand winner na si Mitoy Yonting at finalist na si Morissette. Nagpaunlak din na maging bahagi ng show si Martin Nievera.
Career ni Enrique nakasasalay sa kanyang concert
Tambak ang mga guest sa darating na dance concert ni Enrique Gil. Isang marketing strategy ‘yon upang maakit ang taong panoorin siya.
Of course, hindi maiwasang maikumpara kay Daniel Padilla ang gagawin ni Enrique. Malay natin, makatsamba siya, huh!
Pero iba pa rin si Daniel. Lamang na siya nang milya kay Enrique nu’ng mag-concert siya. Hindi man kagandahan ang boses, nandoon ang appeal niya sa tao. Pasok siya sa kamalayan ng publiko lalo na nga’t meron pa siyang Kathryn Bernardo na ka-love team!
Kaya naman kailangang makagawa ng malaking pakulo si Enrique upang mapuno niya ang Araneta. Hindi sapat ‘yung paggiling niya sa stage! Dapat mas matindi pa sa paggiling ang kanyang gawin, huh!
Dahil pag sumemplang ang dance concert niya, siguradong pati career niya, apektado, huh!
Doktor na nagpapabata kina Erap, Ricky Reyes, Lolit, LT, at iba pa nasa bansa
Impressive ang achievements ng fresh cell theraphy doctor nina Manila Mayor Joseph Estrada, Mother Ricky Reyes, Manay Lolit Solis, at Lorna Tolentino na si Dr. Robert Janson-Mueller. Nasa bansa ngayon ang doctor upang ipaalam sa publiko na hindi stem cell therapy ang ginawa niyang kundi Organotheraphy with Fresh Cells.
Pero ‘yung gustong sumailalim ng treatment kay Dr. Mueller, kailangan nilang pumunta sa clinic niya sa Edenboken, Germany. Base sa estimate ng representative niya sa bansa na si Joey Santos, aabutin ng halos isang milyong piso ang gagastusin ng isang pasyente.
Applicable raw sa chronic diseases at anti-aging ang Organotheraphy with Fresh Cells. No wonder, laging masigla si Manay Lolit tuwing dumadalo ng presscons, huh!