Magdyowang bagets, hindi mapigilan ang paglalandian kahit pinagsasabihan na
Hindi mapigilan ang pagiging close ng dalawang young stars na ito kahit na pinagsasabihan na sila ng kanilang mga managers na iwasan na muna nila ang isa’t isa dahil makakasira ito sa kanilang pinaplano sa career.
Hindi na alam ang gagawin ng talent manager sa kanyang alagang young actor dahil kahit na pagsabihan niya ito, hindi nagpapaawat at lalo pang nananadya.
Gayundin ang young actress na sinukuan na ng mga nagbabantay sa kanya dahil tuwing aalis daw ito ay alam nilang kasama nito ang young actor. Kunwari ay pupuntahan nito ang kanyang mga kaibigan, pero magkikita na lang sila somewhere ng young actor.
May career plan pa naman ang mga maÂnagers ng young actor at young actress. Pero mukhang hindi ito magagawa dahil sa katigasan ng ulo ng dalawa.
Naranasan na ng talent manager ng young actor ang ganito noong may hawakan siyang isang aktor. Naging matigas ang ulo nito kaya walang nangyari sa career. Ayaw niyang mangÂyari ito sa present na alaga niya dahil sayang daw kung uunahin lang nito ang ma-in love.
Very promising din ang young actress pero kung papairalin nito ang kanyang katigasan ng ulo, baka maaga na siyang mawala sa showbiz dahil masasayang lang ang mga efforts na ginagawa ng TV nework sa kanya.
Rico Blanco may ipakikilalang alter ego
Sina Rico Blanco at Rocksteddy ang dalawa sa magiging Asian acts sa nalalapit na Sundown Festival na magaganap on November 16 in Singapore.
Makakasama nga nila ang ibang musical acts mula sa Japan, Korea, Hong Kong, China, Taiwan, Indonesia, at Thailand.
Naka-schedule ngang mag-perform din ang Screw, D-OUT, AOA, Bosco Wong, Shao Yu Han, Yogo Lin, Nidji and No More Tear.
Ipapakilala rin ni Rico ang kanyang alter-ego na si Fiesto Bandido.
“He’s the cheerleader of the fiesta. He’s very festive pero hindi ko alam kung ati-atihan or ethnic tribe siya sa place nila or lumaki siya sa ibang planeta at in-adopt ng certain tribe. Puwede ring nung magunaw ang mundo, may ipinadalang tao sa ibang planeta at ibinalik yung tribu nila sa Earth para magkaroon ng buhay or depth so parang ganyan siya,†sey pa ni Rico.
Inaasahan ng Festival director na si Samantha Chan na dadagsain ng mga music lovers ang Sundown Festival at gawin ang Marina PromeÂnade into an Asian music and cultural central.
For more information about the music festival, visit www.sundownfestival.sg or www.facebook.com/mysundownfestival.
- Latest