^

Pang Movies

Aktor lasing na lasing sa Halloween party, biglang binaba ang pantalon kaya bumulaga ang sandata

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sa isang five-star hotel kami dumalo ng isang Halloween party. Sa male C.R., nag-iisa ako sa urinal nang biglang pumasok ang lasing na lasing na aktor. Binababa niya ang kanyang pants at bumulaga ang kanyang sandata. Kundi siya lumayo sa urinal na tinapatan, sobra pang sumayad ang kanyang super sized na jumbo! Naku Peter Ledesma kung na-sight mo, baka lumuhod ka ng walang belo!

Ako naman, hanggang tingin lang. Naalala ko ang warning ni Sen. Antonio Trillanes sa mga makakasabay na beki sa toilet: ‘‘Puwedeng tu­mingin pero no touch.’’

Hanggang “tanauan” pa lang, ’di puwedeng hawakan!

Raymart napagod na

Mukhang napagod na si Raymart Santiago sa pakikipagbangayan sa kanyang misis na si Claudine Barretto. Gusto ng aktor, maayos na ang lahat upang matigil ang kanilang pagsisiraan sa publiko.

Say ni Raymart, si Claudine pa rin ang ina ng kanilang mga anak at siya ang ama ng mga bata.

Dapat noon pa nila naiisip ito. Sa labis na pressure kay Claudine baka maloka siya, kawawa naman ang mga bata. Buti kung maalagaan sila ni Raymart o kaya’y ng kanilang lola Inday Barretto.

Upang maging tahimik na ang magkabilang panig, sana magkasundo na sila sa out of court settlement. Hindi na sila maiistorbo ng kaso at pati ang kanilang mga anak ay matatahimik na at maiiwasan na ang trauma.

Wally nagdurusa pa rin, nami-miss na ng Dabarkads

Nami-miss na ng kanyang mga kabarkada sa Eat Bulaga si Wally Bayola. Ang dasal nila, patawarin na ang kalbong komedyante tungkol sa sex video.

Ang say pa ng kanyang friends, milyones na tao ang napapaligaya ni Wally. Marami naman siyang positive traits na dapat pang ma-enjoy ng televiewers.

Sino kaya ang dapat mag-alis ng suspension ni Wally? Siyempre ang management ng Eat Bulaga dahil sila naman ang nagpatigil sa pagiging co-host niya sa No. 1 noontime show.

Pauleen ipinagtanggol ang May-December affair

Kahit naasiwa si Pauleen Luna sa pagko-compare sa kanila ni Vic Sotto sa relasyon ni Ka Freddie Aguilar sa kanyang 16-year-old girlfriend, ipinagtatanggol pa rin niya ang ibang May-December love affair.

Tama naman si Pauleen dahil hindi maaaring ibigay ng mga pakialamera ang kanilang kaligayahan.

Staff ng TV5 hindi pa alam kung sino ang mas boss

Ang mga staff ng TV5 still consider Perci Intalan as their boss. Saan naman kaya nakalugar ang chief entertainment content officer na si Wilma Galvante?

At least hindi pa naririnig na tinawag niyang boss si Galvante. Noon kasi ay malinaw na senior vice president for entertainment ang dating reyna ng GMA 7. Ngayon ay hawak niya ang isang posisyon na bagong likha at hindi pa masyadong clear ang mga function. Kapag nagkaroon na ng friction, saka pa lang lalabas kung sino na talaga sa kanila.

Toni at Alex hinahanapan pa ng mga partner

Ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ang mga female co-host sa PMPC Star Awards for TV on Nov. 24, to be telecast a week after on Channel 2, to be staged at Solaire Resort & Casino.

Hinihintay pa ang confirmation kung sino ang magiging ka-partner ng Gonzaga sisters sa all-star awards night.

Rob Schneider gustong makasagupa si Pacman sa stage

Hinahagilap ng American/Pinoy Hollywood star na si Rob Schneider si Rep. Manny Pacquiao habang nasa Maynila siya.

Gusto kasing makasama ni Rob sa isang live show si Pacman o kaya’y maka-duet, kahit sa isang kanta. Sayang at busy ang seven-time world champion sa kanyang training for his fight this month with Brandon Rios.

Kung papalarin, baka matuloy ang kanilang pagsasagupa sa stage for American Pinoys sa stage.

 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

AMERICAN PINOYS

EAT BULAGA

KANYANG

RAYMART

ROB SCHNEIDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with