Michael V. pirmado na ang kontrata sa TV5
Free si Michael V, Bitoy to friends and co-workers, na gumawa ng show sa alinmang TV networks: GMA Network, ABS-CBN, TV5, dahil wala siyang network contract. Kaya kahit identified siya sa GMA, pinayagan naman siyang mag-host ng isang US franchise show ng TV5, ang KilÂler Karaoke titled Killer Karaoke Pinoy Naman to be directed by Mike Tuviera.
Bakit niya tinanggap ang offer ni Ms. Wilma Galvante, Head ng TV5 Entertainment?
“Matagal na silang may offer sa akin and I promise Ninang Wilma that I will help to kill the network war,†kuwento ni Bitoy. “Eighteen years ago, dito ako nagsimula, ABC-5 pa iyon, sa Tropang Trumpo at ngayon gusto ko namang makita ang pagbabago ngaÂyong TV5 na sila. Kaya nang malaman nilang pwede nang ipalabas sa Philippine territory ang Killer Karaoke, ito ang ini-offer nila sa akin. Hindi naman naging mahirap ang negotiation dahil one season lamang naman ito. NaÂging part ako ng conceptualization na ako lamang ang host, pero may mga assistant ako habang naglalaro ang mga contestants. I hope makapaglaro ang mga celebrities, like Ogie (Alcasid) payag daw siya basta walang ahas dahil takot siya. Gusto kong makitang maglaro ang mga Kapatid na sina Aga (Muhlach), Sharon (Cuneta), Alice (Dixson), Gelli (de Belen), Wendell (Ramos). Iyon lang kailangang habang naglalaro sila, kakantahin nila nang maayos ang song na pipiliin nila.â€
Kung maglalaro rin siya, wala ba siyang katatakutan?
“Meron akong kinatatakutan, mga babaing sexy, malalaki ang boobs at may gusto sa akin. Ayaw kong masira ang family ko kung maka-encounter ako ng ganoon dahil mahal ko ang family ko, ang work ko, dahil ang daling sirain ang sinimulan ko. Ideal wife para sa akin ang asawa ko na siya ring manager ko, she’s beautiful at we are compatible. We have four kids, Milo (19), Yam (15), Mico (10) at Maple (5). We have been married for 20 years. Paalis kami for Hawaii ng buo kong family at ilang mga kapitbahay namin sa village. Ginagawa naming mag-travel at least twice a year. Natutunan ko iyon kay Tito Joey (de Leon): work, mag-ipon, byahe. Bonding iyon ng family ko at marami kaming natututunan everytime we travel.â€
Sa November 16, 9:00 p.m. ang pilot telecast ng Killer Karaoke Pinoy Naman. Ginagawa nila ang taping sa newly-acquired nilang KB Studios in Marikina at hindi raw ito babaklasin habang nagti-taping sila.
Marian darating sa Raniag Twilight Festival
Pagkatapos pasayahin ni GMA Primetime Queen MaÂrian Rivera ng kanyang dance number ang mga teachers na nag-attend ng celebration ng Gabay-Guro ng Smart-PLDT Foundation sa SM Mall of Asia kahapon, today, nasa Raniag Twilight Festival naman siya para sa Kapuso Fans’ Day na gaganapin sa harapan ng Vigan City Hall mamayang 8:00 p.m.
- Latest