^

Pang Movies

Takot imbestigahan ng DOJ at Senado sexy actress iniisa-isang ibenta ang mga nakulimbat na ari-arian sa pork barrel ng ‘papa’ na congressman

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Takot na takot ang isang sexy actress kapag na­ririnig ang bulungan na isa siyang kept woman ng mambabatas, nakapagpatayo siya ng magarang bahay, nakabili ng mga properties at mga mamahaling alahas.

Kaya hindi ibig sabihin ay purita mirasol (poor) na siya kapag nabalita na isa-isa niyang binibenta ang kanyang mga ari-arian.

Gusto lamang niya na ma-convert na ang mga ito sa cash, dahil sa pangambang bawiin ang mga properties, kapag nadawit ang kanyang nabalitang boyfriend, sa pork scam.

Maaaring ang itira na lang niya ay isang unit na condominium, na pinaghirapan niyang hulugan, sa kita niya sa pag-aartista.

Regine mas masayang hindi kasama si Ogie sa trabaho

Sabi ni Regine Valasquez, higit na exciting kung ang mag-asawang tulad nila ni Ogie Alcasid ay connected sa magka-ibang network.

Sa recent signing ni Regine ng two years exclusive contract with GMA 7, alam na natin na hindi sila magkakasama ng kanyang husband sa TV5, where is doing several shows right now.

Say pa ni Songbird, wala silang sikretong tina­tagong mag-asawa, kung tungkol sa trabaho ang usapan. Pareho silang nagbibigay ng full support sa isa’t isa at ginagalang ang work-related decision.

Martin Nakikipagsabayan sa MMK at magpakailanman

HIV Positive ang role ni Martin Escudero sa teledramang Positive, na palabas sa TV5 every Saturday, 9:00 p.m. Makakuha kaya ng share ng viewers ang palabas na kasabay ng Maalala Mo Kaya ng Dos at Magpakailanman ng GMA 7?

Derek at Cristine hanggang internet na lang ang harutan

Tuloy ang ugnayan nina Derek Ramsay at Cristine Reyes sa Instragram at Twitter. Doon na lang sila madalas mag-usap, dahil sa social media nga naman nakita ang magkadikit nilang mga labi na ang caption ay: ‘This is forever. ‘

Habang buhay nga ang affair nila sa Internet!

Kahit nagkakasama pa sa mga foreign shows ang dalawa, siyempre may mga sarili na silang private rooms. Nanatili ang respeto sa isa’t isa at tuloy ang pagi­ging mabuting magkaibigan.

Aljur hindi lang ABS ang ipakikita

Tiniyak ng mga producer ng Come and Get Me Live concert ni Aljur Abrenica sa Music Museum on Nov. 7, na higit pa sa mga abs ng aktor ang mapapanood sa palabas.

Sabi nga ni Aljur, pinagpaguran, pinagpu­yatan at pinag-aralang mabuti ang lahat ng tungkol sa show, kaya’t sigurado siyang masisiyahan ang lahat ng mga manonood.

Siyempre sasayaw sa Come And Get Me, si Aljur, bukod pa sa pagkanta.

Ang promise niya, tiyak na may mga sexy portions (sensual in his own word) ang palabas.

Iza laging iniimbyerna pag walang trabaho

Kahit dalawang taon na sa ABS-CBN si Iza Calzado, hindi matigil ang mga speculation na walang mangyayari sa aktres sa kanyang home network. Tuwing mapapahinga sandali, inuunahang frozen delight na si Iza.

Sunud-sunod pa rin ang kanyang assignments sa Dos. Host siya sa new season ng The Biggest Loser. Meron siyang ginagawang movie with Piolo Pascual and Toni Gonzaga.

Iza is also playing a lead role in the forthcoming TV drama, You’re My Home, which  starts taping next month.

Siyempre tuloy pa rin ang mga foreign shows niya with other Kapamilya stars through TFC. Isa si Iza sa mga Kapamilya na in-demand sa mga shows sa labas ng bansa, dahil mahusay siyang kumanta at sumayaw.

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BIGGEST LOSER

COME AND GET ME

ISA

IZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with