^

Pang Movies

Sharon ayaw agad umuwi kahit tapos na ang taping

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Naikuwento ng isang EP (executive producer) ng Madam Chairman ang sigla at walang kapaguran sa trabaho ni Sharon Cuneta. Hanga sa kanya ang staff dahil magaling itong umarte talaga at maaasahan sa adlib.

Kahit maagang natatapos ang taping na hanggang 12 midnight lang ay tinatamad pang umuwi ng bahay ang Megastar at gusto pang mag-taping. Saludo nga sa kanya si Direk Joel Lamangan dahil natural na natural itong umarte bilang si Madam Chairman, bukod pa sa pagiging professional.

Maganda ang feedback sa Madam Chairman dahil maraming nakaka-relate lalo na kapag ikaw ay chairman o kapitan ng isang barangay dahil tinatalakay kung paano magiging progresibo sa nasasakupang mamamayan ang isang barangay.

 Maganda ang kabuuan ng Madam Chairman dahil bukod sa magagaling ang mga artista at direktor na si Joel Lamangan ay si Joey Reyes naman ang sa script.

Thea at Jeric hiwalay na rin?

Hindi pa man nagtatagal ang relasyon nina Thea Tolentino at si Jeric Gonzales na magkapareha sa Pyra, Ang Babaeng Apoy ay lalayo na ang young actress. Naniniwala kasi ito na wala siyang future sa aktor.

Pero ito’y mangyayari lang sa teleseryeng Pyra at ayaw ng dalawa na maranasan ito sa tunay na buhay. Ayaw maudlot ni Jeric ang mabuting pagkakaibigan nilang dalawa na malamang na humantong sa isang magandang relasyon kung tutuusin.

Halikan nina Dingdong at Rhian walang epekto kay Marian

May mga romansang eksena sina Rhian Ramos at Dingdong Dantes sa Genesis. Idagdag pa ang umaatikabong halikan nila. Hindi kaya nagseselos si Marian Rivera?

Malabo itong mangyari dahil may nobyo na si Rhian. Naikuwento rin ng aktres na never ding nagselos si KC Montero dahil nauunawaan niya na bahagi lang ito ng kanilang trabaho kaya naiintindihan ang actress girlfriend at kaya supportive ito sa kanyang career.

Isang ina sa Genesis si Rhian at challenging ito para sa kanya dahil hindi pa naman siya ina sa tunay na buhay.

vuukle comment

ANG BABAENG APOY

DAHIL

DINGDONG DANTES

DIREK JOEL LAMANGAN

JERIC

JERIC GONZALES

JOEL LAMANGAN

JOEY REYES

MADAM CHAIRMAN

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with