^

Pang Movies

Ryzza Mae ‘in love’ rin kay Tom

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nasabik kaya at hindi pa rin maka-get over ang fans ng My Husband’s Lover kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga babae sa audience ng The Ryzza Mae Show kahapon na guest ni A­ling Maliit si Tom Rodriguez? Lahat ay gustong makahalik kay Tom na napa-aray na dahil hinahatak nila ang face ng actor para i-kiss. 

Si Ryzza Mae ay kilig na kilig din kay Tom nang sabihan siya nito ng “I love you.” Sinagot din niya ng “I love you, too!”  Naku, babaeng-babae tala­ga ang bagets. 

Nag-guest si Tom para mag-promote ng Beki­kang, Ang Nanay Kong Beki nila ni Joey Paras na showing na si­mula ngayong Wednesday in cinemas nationwide, sa direksiyon ni Wenn Deramas for Viva Films. Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula.

Mikael ayaw nang patulan ang pagdi-deny ni Megan

Ayaw na lamang patulan ni Mikael Daez na one week nang nakaalis si 2013 Miss World Megan Young paba­lik ng London, England ay nan­­doon pa rin ang isyu na dinenay daw siya ng kanyang special friend. Bahala na raw lamang mag-isip ang mga nang-iintriga basta special friend pa rin niya si Megan. Kailangan daw ba niyang mag-explain eh wala naman silang inamin ni Megan na naging sila.

Nasa Vidanes Management na ni Betchay Vi­­da­nes si Mikael. Kasama na niya ang mga Padilla na sina Robin, Kylie, at Daniel. At ganundin si Jasmine Curtis Smith. Biro namin kay Mikael, mukhang nagpapaka-busy siya sa trabaho para hindi maalaala ang kanyang special friend. Say niya, masaya raw lamang siya dahil ang dami niyang work.

Indefinite ang extension ng kanyang special segment na Midnight Snack every night sa news program na Saksi dahil tuluy-tuloy ang mga tawag na natatanggap nila na ang restaurant naman nila ang i-feature ni Mikael sa news program. Balik-Unang Hirit na rin si Mikael as segment host at every Friday ay regular na siyang napapanood sa Bubble Gang.

Pero ang big break ni Mikael ay balik-primetime siya sa GMA 7 na first time nilang magtatambal ni Kylie Padilla sa telefantasyang Adarna kasama rin si Benjamin Alves. Si Ricky Davao ang direktor. No problem sa actor kung half-naked ang character niya dahil hindi siya tumitigil sa pagwo-workout para ma-maintain niya ang good body features niya. 

Bamboo Flowers ni Direk Maryo ipapalabas uli, kikitain ido-donate sa Bohol

Inaayos na ni Direk Maryo J. delos Reyes ang muling pagpapalabas ng Bamboo Flowers na entry niya sa Sineng Pambansa. Ang proceeds ng showing ay ido-donate nila para sa mga naapektuhan ng 7.2 magnitude earthquake. 

Ang pelikula ay entirely shot in Bohol, sa mga magagandang lugar doon na ngayon ay nasira na, tulad ng Chocolate Hills. Tampok sa movie sina Max Collins, Mylene Dizon, Orlando Sol, and Ruru Madrid.

vuukle comment

ANG NANAY KONG BEKI

BALIK-UNANG HIRIT

BAMBOO FLOWERS

BENJAMIN ALVES

MEGAN

MIKAEL

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with