^

Pang Movies

Mga nanonood ng movie ni Bea inabutan ng lindol!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi sinasadyang nakita namin si Bea Alonzo na nag-iikut-ikot last Friday sa EDSA Shangri-La Mall sa Mandaluyong City kaya tsinika namin siya sandali. Kinonggratuleyt nga namin siya sa lakas sa takilya ng movie nila ni Dingdong Dantes at Enrique Gil na She’s the One kaya say niya ay sobrang thankful niya sa napakaraming nanood considering na wala silang sinehan sa Visayas on the opening day dahil nga sa naganap na lindol.

Labis-labis din ang kanyang pasasalamat na during the first day, a day after the Bohol and Cebu earthquake, ay may isang mall daw sa Cebu na nagpalabas ng She’s the One noong bandang umaga.

“At nakakatuwa kasi, that morning, pagbukas ng sinehan, may pumasok pa na one hundred people. Imagine? Kaya tuwang-tuwa kami and sobrang thankful do’n sa one hundred people na ’yun na pumasok kasi ibig sabihin ay talagang gustung-gusto nilang mapanood ang movie na kahit may earthquake, talagang pumasok pa rin sila sa sinehan to watch the film,” tuwang-tuwang kuwento ni Bea.

Shaina ayaw mag-assume kay Piolo

Sobrang thankful ni Shaina Magdayao sa Dream­scape Productions headed by Deo T. Endrinal dahil sa sunud-sunod na magagandang pro­yektong ibinibigay sa kanya. Magtatapos na ang Juan dela Cruz sa Friday pero may kapalit na agad itong teleserye, ang You’re My Home with Dawn Zulueta and Richard Gomez.

Say nga niya nang makausap namin sa ginanap na announcement presscon sa ABS-CBN, napakaganda raw ng birthday gift sa kanya ni Sir Deo at ito ay ang You’re My Home teleserye.

Kaya nga dahil daw dito, hangga’t maaari, ayaw niya munang ma-in love muli at ipinagdadasal niya talaga na huwag munang dumating ang pag-ibig sa kanya.

“I think this is the first time sa buhay ko na ipinagdadasal ko na, sana huwag munang dumating. I mean, hindi naman natin mapipigilan ’pag umibig tayo, ’di ba? ’Yun na ’yun eh. Hindi mo mapipigilan ang sarili mo and it’s such a wonderful thing na umibig muli.

“But I’m praying na sana, huwag muna kasi napakaraming trabaho na dumadating sa akin ngayon. Gusto ko naman pong pahalagahan ’yun. ’Yun nga, unexpected lahat ng trabaho ko, na parang, kung iisipin mo, marami namang walang trabaho, bakit ako pa ang napili, ’di ba? So, gusto ko muna sanang pahalagahan ’yun,” she said.

’Yung pagkaka-link niya kay Piolo Pascual is something na tinatawanan na lang daw nila ni Papa P. dahil talaga raw nabibigyan ng ibang kulay anuman ang gawin nila tulad na lamang nang makita silang magkaholding hands sa ASAP 18.

“Alam n’yo, eto lang po ’yun, sweet po talaga kasi si Papa P. (tawag niya kay Piolo), and at the same time, sobra kasi siyang gentleman.

“Now, bakit niya nagagawa sa akin ’yun (ang hawakan ang kamay niya)? Siguro kasi kompor­table ako sa kanya. I’ve worked with him and ’yung trust nandoon naman na dahil bata pa lang ako, nakakatrabaho ko na siya.

“’Yung Lobo pa lang, eighteen years old pa lang ako, nakakatrabaho ko na siya. And walang isang beses man lang, wala akong ma-recall kahit isang beses, na feeling ko nabastos ako or nag-take advantage siya. Not in any way. So, the trust is always there and the more siguro na mas lumalalim dahil nakagawa nga kami ng On the Job na kinailangan kong mapagkatiwalaan ang leading man ko at that time,” paliwanag ni Shaina.

Pero walang nagaganap na relasyon o ligawan at natatawa na lang sila talaga na nabibigyan ng ibang kulay ang kanilang pagkakaibigan.

“Ako, kung anuman naman po ang friendship na ibinibigay niya sa akin, ayoko namang mag-assume in any way. So, for me, he is really such a good person. He is really such a good friend to me,” sabi pa ng young actress.

 

vuukle comment

BOHOL AND CEBU

BUT I

DAWN ZULUETA AND RICHARD GOMEZ

DEO T

DINGDONG DANTES

MY HOME

NIYA

PAPA P

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with