Co-host ng live show aanga-anga, guest tinanong tungkol sa namatay na kamag-anak

Balak nang tsugihin ang isang artista bilang co-host sa isang live show. Parati kasi siyang nagkakalat sa mga interview with guests. Tamad ang aktres na mag­handa, bago simulan sa camera. Sobrang umaasa siya sa prompter o cue cards.

Minsan tinanong niya ang isang popular foreign artist ng isang istupidong question. Hindi siya sinagot at tinitigan lang siya ng masama!

Bungad na pangungumusta niya sa isang kasamahan na guest sa show, kung nasaan na ang isang kamag-anak. Lahat naman pati ang nanonood ng TV at audience sa studio, alam na matagal nang yumao ang kinakamusta niya. Na-offend tuloy ang bisita sa show at hindi agad nakapagsalita.

TV shows na sikat sa buong mundo nasa iisang cable channel na

Available na ang RTL CBS Asia Entertainment Network through Sky Cable’s Silver, Gold, Dual Def 499 and Titanium HD40 packages.

Ang world class pay TV network ay pinagsanib ang entertaining power ng RTL Group leading Europian network at owner ng Freemantle Media sa CBS Studios International, isang leading supplier ng mga toprated TV programs sa buong daigdig.

Kasabay nang formal launching ng RTL-CBS Entertainment ay ang appointment ng Viva Communications bilang Philippine representative ng RTL-CBS Asia Entertainment Network for provincial distribution. Magiging higit na malawak at de kalidad ang mga programang mapapanood sa ating bansa, sa pagsasanib ng mga higanteng pwersa sa telebisyon.

Ilan sa mga toprated shows na ipapanood nila ay ang X Factor USA, America’s Got Talent, Entertainment Tonight, Elementary, at ang malapit nang mapanood na Under The Dome.

Posibleng magtampok ang grupo ng mga sikat na Pinoy Talent, na maaaring maging co-production venture na bagong shows sa ating bansa.

Naging guests sa launch in Luxent Hotel’s Four Seasons ballroom sina Jake Cuenca, Shamcey Supsup, at Karylle.

Noong August 2013 pa lang nabuo ang partnership ng RTL at CBS Asia Networks. Ngayong Oktubre, kasama na nila ang Viva Communications sa pagpapalaganap ng  ating network sa buong Pilipinas.

Walang lihiman...

Pinagmamalaki ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes ang tipo ng boyfriend na higit pa sa kapatid at mabuting ama. Kumpleto ang pag-aalaga niya sa aktres, pati ang guidance na pagbutihin ang pag-aartista at pakikisama sa mga tao.

Say pa ni Marian, sobrang busy si Dingdong kaya kapag may pagkakataon na  mag-travel silang dalawa, join agad siya. Ito lang ang chance upang makapag-bonding sila and to make up for lost time.

Pinoy indie namamayagpag sa international filmfest

Sa rami ng mga international film festival, halos lahat ng mga indie films na nilalahok ng mga Pinoy filmmakers, nagwawagi ng mga awards. Kalahok ang Nuwebe kung saan ay best actress ang nine-year old na si Barbara Miguel sa  Harlem Filmfest, New York at Magdalena sa Wiesbaden International Filmfest in Germany sa susunod na buwan.

Ang Mamay Umeng naman ni Dwein Baltazar, official entry sa first features film division sa Mumbai International Filmfest na kalaban ang Cannes winner na Iloilo ni Anthony Chen ng Singapore. Nagwagi na ang obra ni Baltazar sa Warsaw, Poland at iba pang worldwide competitions.

Isa pang Pinoy, si Benito Bautista ang nanalo ng CJ Award para sa International Project Award sa Busan, Korea with a cash prize of US$10,000 or almost half-million pesos ang kanyang Samuel Over the Rainbow.

Ang CJ Entertainment ay isang leading Korean film company.

 

Show comments