Cassandra: Warrior Angel ng TV5 kinilala sa Paulines Telefest Awards

MANILA, Philippines - Tinanggap ng Kapatid Primetime Princess na si Eula Caballero ang pagkilala para sa fantasy series na Cassandra: Warrior Angel mula sa Paulines Telefest 2013 Awards na inorganisa ng mga madre mula sa Daughters of St. Paul. Kinilala ang fantasy series para sa mabubuting asal na itinuturo ng prog­rama sa mga manonood. 

Mula sa mga mundo ng mga anghel at mga diablo, ang Cassandra: Warrior Angel ay tungkol sa isang batang babaeng may natatagong kapangyarihan na siyang makakapagligtas sa sangkatauhan laban sa mga puwersa ng dilim. Habang ipinagtatanggol ang mga mortal, hinahanap rin ni Cassandra ang kanyang pamilyang inilayo ng kampon ng kasamaan.

Si Eula ang gumanap na Cassandra: Warrior  Angel at nakasama niya sina Gabby Concepcion, Eula Valdez, at JC de Vera sa nasabing serye.

Show comments