Direk Joyce nag-react sa pakikialam ng mga na-shoot na eksena habang nasa abroad

 Nag-deny si Direk Joyce Bernal na may mga na-reshoot sa ilang eksena ng bagong primetime series ng GMA 7 na Genesis kaya natagalan ang pagpapalabas nito. Sa pagkakaalam naman niya ay wala siyang ni-reshoot dahil okay naman daw lahat ng mga nakunan niya.

“Bago naman ako lumipad for Amsterdam para sa movie ni Robin Padilla na 10,000 Hours, okay na lahat ng mga nakunan ko. Sana sinabihan ako kung may problema, ‘di ba?

“Ang alam ko ay nag-additional shoot sila. Nagdagdag pa ng mga eksena pero walang inulit. Hindi ko lang alam sa part ni Direk Mark Reyes kung may ni-reshoot sila. Sa akin, wala akong ginawang reshoot,” paliwanag ni Bb. Joyce.

Hindi kaya noong lumipad siya papuntang Netherlands ay pinakialaman ang mga nakunan na niyang mga eksena for Genesis? Ni-reshoot ang mga eksena na nagawa niya na hindi niya alam?

“Teka... hindi nga kaya gano’n ang nangyari?” sabay tawa ni Direk Joyce.

“Hindi naman siguro nila gagawin iyon. Nirerespeto naman ako, ‘di ba? Intrigahin ba ako? Nakakaloka kayo!”

Pero ang tiyak ay ni-request talaga siya ng bida ng Genesis na si Dingdong Dantes na isa siya sa maging direktor ng bonggang teleserye na ito na tungkol sa end of the world.

“Si Dong naman kasi every year naman nagpapareserba ng project ‘yan. Either pelikula or TV series. Basta magkakatrabaho kami. Siyempre okay lang ‘yun kasi bukod sa trabaho may kinalaman ang pagkakaibigan naming dalawa.

“Kaya kahit na rumaraket tayo sa ibang networks inaalam ko rin kung ano ba ang availability ni Dong at anong klaseng project ang naiisip niyang gawin.

“Nataon nga na itong Genesis ay dumating at kakaiba ang concept. Seryoso pero may mga light moment, may comic relief. Kumpletos rekados siya,” sabi ng direktora.

Jackielou feeling importante sa trato ng GMA

Ikinatutuwa rin ni Jackielou Blanco na bida na ang pamangkin niyang si Janine Gutierrez sa remake ng GMA 7 sa ‘90s drama series na Villa Quintana.

Ikinuwento ni Jackie na noon ay hindi raw mapilit si Janine na pasukin ang showbiz.

“I am very happy for Janine dahil nabigyan na siya ng opportunity to really prove her worth as an actress.

“Noon ayaw niya talagang mag-showbiz. Ilang beses na ‘yan nilapitan ng kung sino pero ayaw. May ibang plano before. Pero nagulat na lang kami na ayan nasa showbiz na rin. I guess hindi mo talaga maiiwasan ang destiny mo, ‘di ba?

“In the case of Janine, both her parents (Lotlot de Leon and Ramon Christopher) are artistas. Mga lolo at lola niya ay mga artista. Mga tito, tita, at cousins niya ay mga artista.

“It’s in the blood kaya hindi maiiwasan. And we are all happy for her. I pray that she does good and make her parents proud,” sabi ng Tita Jackie ni Janine.

Bukod sa Genesis ay busy din ang aktres sa pagho-host ng Walang Tulugan with Master Showman at sa paggawa ng mga pelikula. Kelan lang ay napanood si Jackie sa indie film na Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap? na ipinalabas sa Sineng Pambansa National Film Festival.

Ngayon ay tinatapos niya ang My Trophy Wife na kasama niya sina Derek Ramsay, Cristine Reyes, at Heart Evangelista.

Pahayag ni Jackie, “I am very happy na kahit na lola na nga tayo we are still busy and people entrust me with very good roles both on TV and the movies.

“Actually very thankful kami ni Ricky sa GMA 7 for keeping us both busy. Ricky is busy acting and directing in different teleseryes. Ako naman, hindi ako nawawalan ng project with them.

“Kahit na nga may offer ang ibang TV networks I still make paalam to GMA 7 kahit na hindi ko kailangang gawin iyon. Out of respect na lang dahil I consider GMA 7 na my home studio for so many years.

“Natataon naman na parating may bagong project kaya hindi pa man ako nagpapaalam, naireserba na nila ako. And that makes me feel important sa kanila.”

Charlie Hunnam umatras na Lead actor para sa pelikulang Fifty Shades of Grey wanted!

Nag-backout na ang actor na si Charlie Hunnam sa pagganap bilang si Christian Grey sa pagsa­sapelikula ng erotica novel ni E.L. James na Fifty Shades of Grey.

Sa isang official statement na nilabas ng Universal Pictures at Focus Features sa E! News, kinumpirma nila na hindi na si Hunnam ang lalabas sa film version ng hit novel: “The filmmakers of Fifty Shades of Grey and Charlie Hunnam have agreed to find another male lead given Hunnam’s immersive TV schedule which is not allowing him time to adequately prepare for the role of Christian Grey.”

Naging malaking hadlang ang TV series ni Charlie na Sons of Anachy na kasalukuyang sinu-shoot ang final season. Magsimula na sanang mag-shoot ang Fifty Shades of Grey on Nov. 5 pero hindi nga maka-commit sa schedule ng aktor dahil sa kanyang hit TV series.

Nai-announce nung Sept. 2 na sina Charlie Hunnam at Dakota Johnson ang gaganap na mga bida sa Fifty Shades of Grey. Mixed reaction ang natanggap sa pagpili sa kanila.

Ngayon ay on the lookout ang Hollywood para sa new actor na gaganap na Christian Grey.

 

 

Show comments