‘Nakaka-in love si Bea’ — Enrique

Maganda ang chemistry nina Dingdong Dantes, two-time best actor winner, at ni Bea Alonzo sa She’s the One ng Star Cinema. Third time na ng aktor na gumawa ng movie sa Kapamilya Network.

Kasama rin sa movie si Enrique Gil at may kissing scene pa sila ni Bea. First screen kiss niya ang aktres at nadala siya sa emosyon. Pinagpawisan siya sa ilang eksena nila ng akters.

Hindi masagut-sagot ni Enrique ang tanong kung crush ba niya si Bea. Nagba-blush ito at gandang-ganda sa aktres.

“Nakaka-in love si Bea. Sobrang saya ko dahil hindi ko inisip na magkakatrabaho kami sa pelikula,” tanging nasabi ng young actor.

Wala pang girlfriend si Enrique at naniniwalang kusang dumarating ang pag-ibig kahit hindi mo hanapin. Twenty one years old lang ang aktor at focused muna sa kanyang career.

Ang She’s the One ay ipapalabas sa mga sinehan sa Oct. 16, sa direksiyon ni Mae Cruz.

Sunshine ayaw nang magmukmok

Inamin ni Sunshine Dizon na ayaw na niyang makipagbalikan sa dating asawang si Cesar Montano. Gusto niyang kumayod na lang para makaipong mabuti at makabili ng sariling bahay next year kapiling ang mga anak.

Balik-endorso ang aktres sa Ever Bilena cosme­tics company at hindi nagbago after 15 years. Ayaw na nitong magmukmok nang matagal after maghiwalay sila ni Cesar.

‘‘Ayoko nang mag-focus sa problema. Nakaka-wrinkles ito. Hindi ako nagparetoke at ayaw kong gawin ito,’’ sabi ng seksing aktres.

Walang beauty secret si Shine at iniiwasang mag-isip ng problema. Masaya siya ngayon sa buhay at nakakagawa na ng sariling desisyon at gumagastos para sa sarili. Wala siyang boyfriend at umiikot muna ang mundo sa tatlo niyang anak.

Thea nakipagsabayan sa akting ng mga maldita

Inis na inis kami kapag napapanood si Gladys Reyes sa Pyra, Babaeng Apoy dahil sa kamalditahan nito. Idagdag pa si Elle Ramirez na nagpapahirap kay Thea bilang si Pyra.

Gayunman, hindi naman nilamon sa akting si Thea dahil nakipagsabayan ito sa mga kontrabida.

Show comments