Martin, si Pops pa rin ang best friend
Excited na si Martin Nievera dahil may repeat concert ang kanyang 3D (Tatlong Dekada) ngayong Nov. 22 sa Smart Araneta Coliseum. Hindi nito inihayag ang kanyang mga guest pero inaming sigurado nang pupunta ang kanyang malalaking guests kasama na ang dating asawang si Pops Fernandez na best friend raw niya.
Dahil sa kadaldalan, hindi nga tinukoy ang mga guest pero binanggit na baka nandun sina Gary Valenciano, Anne Curtis, Arnel Pineda, Bamboo, at iba pa.
Nagmistulang mini-concert ang presscon dahil inawit ng Concert King ang mga paboritong awitin ng press people lalo na ang Kahit Isang Saglit. Sabi nga namin na kahit tatlong dekada na ang pagiging singer nito ay hindi nagbago ang kanyang boses at hawak pa rin ang korona. Hindi nawawala sa kanyang mga show ang paborito niyang Be My Lady.
Movie nina John Lloyd at Sarah idinaan sa drive-in screening
Nakakakilig ang pelikulang It Takes a Man and a Woman na tinampukan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na muling napanood hatid ng CineÂma One. Nag-enjoy ang lahat sa drive-in screening ng movie dahil sa pag-iibigan nina Miggy at Laida.
Nagkaroon ng special appearance ang bidang aktor kasama ang mga host na sina Andrei at Cesca Litton.
Para sa mga event na darating ngayong taon, i-like ang official Facebook page ng Cinema One Channel.
- Latest