^

Pang Movies

Aga pinagtatawanan ang sarili ’pag nagkakamali

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ganadung-ganado si Aga Muhlach sa ginanap na trade launch nung nakaraang Miyerkules sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City ng TV5 dahil first time niyang magiging game TV host sa bago niyang show na Let’s Ask Pilipinas.

Nung unang ilalok sa kanya ang show ay hesitant siyang tanggapin dahil sa bulol daw siyang magsalita. Sa trade launch nga ay nasabi pa niyang “kalachuchi” imbes na kulasisi at pinagtatawanan na lang niya ang sarili. Pero hindi siya titigil na i-improve ang sarili para maituwid ang dila. Kaya imbes nga na umatras, mas na-challenge pa si Aga lalo’t nandun din ang magagaling na hosts tulad nina Edu Manzano, Paolo Bediones, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta.

Hindi rin nagpahuli ng aktor ng biritan sa kantahan nina Ogie at Sharon na pinalakpakan ng mga naka-attend sa event. Ipinakita ni Aga na malakas ang kanyang loob at wala siyang uurungang hamon na trabaho na ibibigay sa kanya ng TV5 management. Sobrang thankful niya sa bago niyang journey sa Kapatid Network para sa bago niyang show na Let’s Ask Pilipinas na mapapanood Monday to Friday, 8:00-8:30 p.m.

Rufa Mae naki-Wow Mali

Patok naman ang ginawang gimik ng Wow Mali Pa Rin team dahil habang ini-interview ang mga artista bago umalis ng trade launch ay biglang may kunwaring nagalit na ba-ding sa nagtatanong dahil mali raw ang isinulat nito tungkol sa kanya na siyempre ay ikinagulat ng mga artista habang nakatutok ang camera sa kanila sa gitna ng tanungan portion.

May commotion effect at isa sa mga nag-walk out ay si Rufa Mae Quinto na feeling nabastos. Pero nabawi agad ito ng Wow Mali Pa Rin staff bago ito sumakay diretso sa kanyang van.

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

ASK PILIPINAS

EDU MANZANO

KAPATID NETWORK

OGIE ALCASID

PAOLO BEDIONES

PERO

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

WOW MALI PA RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with