Tiyak na ang pagtatambal nina Vhong Navarro at Angel Locsin sa isang horror-suspense flick, tentatively entitled Da Possessed.
The movie will have Joyce Bernal at the helm.
As we all know, magtu-two years nang gumaganap bilang magkasintahan sina Vhong at Angel sa weekly comedy-romance series, Toda Max. The series ‘‘unearth,’’ kumbaga, their kakaibang chemisÂtry as comedy performers while at the same time helped developed their kakaibang friendship as well.
Do you know na dahil almost two years na rin silang magkasama sa Toda Max, even away from the cameras, they still address each other ‘‘love,’’ their endearing way of addressing each other sa series?
The two though, are the first to deny na may romantic feelings sila sa isa’t isa. While it is common knowledge na ang kasalukuyang ‘‘one and only’’ ni Angel ay ang top Azkals member na si Phil YoungÂhusband, matagal nang in love si Vhong sa isang writer sa ABS-CBN.
By the way, in Da Possessed nga pala, the two also have for co-stars Joey Marquez at John Lapus.
Kikitain sa One Run... diretso sa Pasig
Linggo, alas-sais ng umaga, pangalawang araw ng pagdiriwang ng ABS-CBN on the occasion of its 60th anniversary, libu-libong kalahok ng One Run, One Philippines ang magkakaisa, sa effort ng isang grupong pinangungunahan ni Bb. Gina Lopez, dahil sa hangaring mai-rehabilitate at mapaganda ang mga estero sa Maynila at Pasig River.
Actually, ’di lang dito sa Maynila magaganap ang kilusang ito ngayong Linggo, kung hindi sa Cebu, Davao, Bacolod, at maging sa Los Angeles, California (USA).
Ang pondong malilikom sa activity na ito ay gagawing pantustos naman sa ilan pang proyektong pangkalikasan.
Sa araw na ito, for a change, gaganapin ang progÂramang ASAP 18 sa Marikina Sports Complex.
Sa programang ito mapapanood na magpe-perform live ang mainstays at guests ng ASAP 18.
At 5 p.m., magtitipun-tipon sa Quezon City Memorial Circle ang mga kilalang komedyante na sina Pokwang, John Lapus, Pooh, Kitkat, K Brosas, at Chokoleit para mabigyan ng aliw na punung-puno ng katatawanan, kantahan, at sayawan ng mga manood.
Magkakaroon din ng papremyo sa Kapamilya KTV.
Mother Lily lagare sa dalawang pelikula
Mother Lily Monteverde’s Regal Entertainment, Inc. pala is filming not just one but two movies simultaneously. And these are Status: Complicated, starring Maja Salvador, Jake Cuenca, Paulo Avelino, Solenn Heussaf, at Eugene Domingo, and Let’s Take a Chance, starring naman sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Obvious na tototohanin ni Mother Lily ang desisyon niya to again go active sa pagpo-produce ng pelikula. Gusto raw niyang makatulong ’di lang sa industriya kung hindi sa mga taong involved dito.
Maraming nanghihinayang na this year ay walang entry o entries ang Regal sa Metro Manila Film Festival except Pagpag, a co-production pa ng Regal with Skylight Films.
Pagpag co-stars teenage love team Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Also starring are Pokwang and Paulo Avelino.
Luis umaasa pang magkakabalikan sina Billy at Nikki
Up to now, pala, Luis Manzano still hopes na magkabalikan sina Billy Crawford at Nikki Gil. Kahit pa marami ang nagsasabing ’di na ito mangyayari kasi, as far as the two are concerned, too much water na have gone under the bridge for them.
Lalo’t on the part of Nikki, who confessed it took a while bago siya nakapag-move on. Which, kung sabagay, is not surprising as the two of them have been sweethearts for nearly five years.
To date, even the idea na maging magkaibigan man lang sila ni Billy, Nikki revealed, ’di pa niya napo-foresee.