Sa rami ng na-accumulate na property ng isang sexy star noong kanyang heyday, inilagay niya sa pangalan ng kanyang relative and friends ang ilan upang makaiwas siya kapag nagkabukuhan.
Dalawang townhouses ang nasa name ng isang alalay niyang beki. Just recently, kailangan niyang ibenta dahil sa pangangailangan ng malaking halaga. Ayaw pirmahan ang papeles ng beki upang masalin uli ang titulo sa artista. Nagbigay pa ang aktres ng isang milyong piso upang pumayag ang baklesh.
Sabi ng people close to her, hindi pa ubos ang kanyang mga pag-aari sa Metro Manila. Tunay na mahaba pa ang kanyang pisi at hindi magagalaw ang mga ibinigay sa anak.
Aktres na magaling manggapang ng dyowa, bf na faithful sa aktres ang next target
Reyna Anaconda ang tawag sa kanya. Kung sino ang gusto niyang poging aktor, kahit may girlfriend, natitikman niya. Say nga ng mga kapwa aktres na naagawan niya, makamandag pa sa cobra ang starlet.
After a recent conquest, nakatuon ang kanyang pansin sa isang tila very faithful actor. Nagsisimula nang gumapang ang kanyang mga galamay. Worried ang actress girlfriend ng macho. Baka ma-exhaust ang kanyang ways to keep her man.
Ineng, kung talagang para sa iyo, hindi matutukso ang iyong partner. Tinitiyak nga ng iyong mga close friend na, this time, mabibigo ang starlet na ahas.
ER nag-e-expect ng best actor kay Direk Chito
Laguna Governor Jorge ‘‘ER’’ Estregan EjerÂcito will celebrate his 50th birthday tomorrow, Oct. 5. ‘‘Golden Boy na ako,’’ the beleaguered yet multi-awarded public servant sounded like he was already plugging his 2013 Metro Manila Film Festival entry, Boy Golden.
Tila sinadya na ang kanyang current starrer, directed by Chito Roño, is titled Boy Golden.
He was nominated in the best actor derby the past metro film fiesta but failed to bring home the coveted trophy. This time, showbiz insiders are betting their bottom peso that the actor/politician will emerge a winner.
Director Roño has always been known as actor’s director and has produced several best actor and best actress awardees in the past. In the dramatic/action vehicle like Boy Golden, ER is expected to give a very memorable portrayal.
The governor is open in accusing his political nemesis of doing all desperate moves to remove him from office. Such an ironic birthday gift for him, that a Comelec decision said he had overspent in the last election.
“Hindi matanggap ng kalaban ko na tinalo ko siya at marami ang lamang ko sa kanya, 78,000 votes, and I received more than 500,000 votes to win my second term,†pahayag ng governor-actor.
Ang kanyang mga kababayan naman, matibay ang suporta at paniwala sa kanya. Nandoon kami sa people power meeting sa Sta. Cruz, Laguna at nasaksihan ang dami ng taong isinisigaw ang pangalang ER with all their love and respect.
Alden may sweet image?!
Sa mapangahas na exposure ni Alden Richards sa recent Cosmo bash, ‘‘Medyo aalis na ako sa sweet image.’’
Mukhang parang sweet starlet kaya ang tinutukoy ng bagitong aktor? Mahigit 50 years na kami sa showbiz at kahit once, hindi pa kami nakapag-interview sa isang sweet actor!
Nangingiti na naman ang aking mga kumareng bukikera. Naku, wala naman kaming gustong tukuyin. Kayo talaga, tigilan na ang panghuhusga agad ng kapwa tao. Kayo rin, baka masentensiyahan kayo sa kumukulong langis at apoy!