Missing in action sa mga showbiz gathering ang isang fashion designer na malapit sa mga artista.
Ang duda ng mga mapaghinala, playing safe ang designer dahil ayaw nito na masangkot sa mga scandal na nangyayari ngayon sa gobyerno.
Sa madaling-salita, ang sariling interes ang pinoprotektahan ng fashion designer na malaki ang pakinabang sa showbiz at pulitika. Inililigtas niya ang sarili sa mga kontrobersya or else, ang business niya ang affected.
GMA 7 building brownout pa rin
Brown out pa rin sa main building ng GMA 7 pero halos normal na ang operasyon ng network.
Pansamantalang nag-oopisina ang mga emÂpleyado ng Kapuso Network sa annex building sa GMA Drive.
Hindi naman apektado ng naganap na sunog ang programming ng GMA 7 dahil napapanood pa rin sa takdang oras ang inyong mga favorite na teleserye.
ER inabsuwelto si P-Noy sa kanyang disqualification
Umalingawngaw kahapon sa provincial capitol ng Laguna ang pahayag ni ER Ejercito na siya pa rin ang gobernador ng lalawigan.
Nangako si Papa ER na ipaglalaban ang karapatan dahil ramdam na ramdam niya na may kinalaman ang pulitika sa kanyang disqualification bilang gobernador ng Laguna.
Ang sabi ng mga eyewitness, paulit-ulit na binanggit ni Papa ER ang name ng isang COMELEC official na pinagdududahan niya na nasa likod ng kanyang disqualification.
Malapit daw sa isang senador ang COMELEC official na type na type na makilala ni Papa ER.
Nilinaw ni Papa ER na walang kinalaman si P-Noy sa desisyon ng COMELEC na i-disqualify siya.
Wala raw problema sa kanilang dalawa dahil nagkita pa sila sa relief operations nang masalanta noon ng habagat ang mga bayan ng Biñan at Sta. Rosa.