^

Pang Movies

Maja inaambisyong maging total performer, magko-concert pa sa bayan ni Gerald!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Obviously, hindi apektado ang Kapamilya actress na si Maja Salvador sa mga naglabasang balita na nagkakalabuan sila ng boyfriend na si Gerald Anderson. Kamakailan kasi ay lumabas ang issue at pagkaka-link ng kanyang boyfriend sa newcomer na si Dawn Jimenez na nakasama nito sa pelikulang On the Job o OTJ.

Ipinagtanggol ni Maja si Gerald.

“Ganun naman. Hindi po mawawala ’yon. Halos lahat mag-aabang ng breakup n’yo, at kung sino ang susunod sa inyo,” sagot ni Maja na nagse-celebrate ng kanyang 10 years sa showbiz.

“Ang pinakaimportante, alam n’yo sa isa’t isa, pinoprotektahan n’yo ang isa’t isa, at may tiwala kayo sa isa’t isa. Dahil nasa industriya kami, mali-link at mali-link talaga.”

Malaki raw ang tiwala niya sa boyfriend and so far so good ang kanilang relasyon.

“Kung may tiwala ka sa isang tao, panindigan mo ang tiwalang ’yon kasi mahirap ’pag nag-doubt ka sa isang taong malapit sa ’yo,” sabi pa niya.

“Para sa akin never ka dapat mag-doubt sa ka-partner mo. Ang pinakaimportante kasi sa akin ’yung actions.”

Tinanong ba niya si Gerald tungkol sa pagkaka-link ng binata kay Dawn?

“Hindi na kailangang tanungin,” sagot ni Maja. “Mas importante ang actions sa akin kesa sa sabi-sabi lang.”

Masasabi bang 100 percent ang tiwala niya sa boyfriend?

“Kailangan. Sa akin po, sa umpisa ng relasyon, ’yung trust talaga kasi ’pag ’yon ang ibinigay mo, ’yun ang babalik sa ’yo. Kung ano ang ibinigay mo, ’yun ang ibabalik sa ’yo,” sabi ni Maja.  

Sa katunayan nga raw ay nag-meet na sila ni Dawn sa special screening ng OTJ dati. Okay ba sila?

“Oo. Alam mo, sa industriyang ito, hindi naman talaga mawawala ang pagli-link sa ka-partner natin sa isang pelikula, at sa akin normal na lang ’yon,” sagot niya.

Sa madaling sabi, sila pa ba at walang katotohanan ang mga sabi-sabing nagkahiwalay na sila?

“Oo naman. Ano ba ’yun? Mukha ba akong may pinagdadaanan?” sagot ni Maja.  

Para sa kanyang ika-sampung taon sa industriya, maghahandog ang young actress ng concert tour na Maja Unveils@10. Lilibot siya sa iba’t ibang lugar sa bansa para makapag-perform.

“Bilang ten years sa industriya, parang ano bang bago ang puwede kong i-offer? Ano ba ang puwedeng bago nilang makita sa akin?

“So parang, ’yung handler ko, sabi, ‘Nakakakanta ka. Mag-voice lessons ka.’ Sabi ko, ‘Parang gusto kong maging total performer.’

“Gusto kong ’yung nagsi-sing and dance.”

Para sa next leg ng kanyang concert tour, pupunta si Maja sa Bacolod sa Oct. 12 at sa KCC Mall General Santos City sa Nov. 9.

 

ANO

DAWN JIMENEZ

GERALD ANDERSON

MAJA

MAJA SALVADOR

MAJA UNVEILS

MALL GENERAL SANTOS CITY

ON THE JOB

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with