Malalang child prostitution nagpanalo sa batang Pinay actress

Hindi nga lang ang Kapuso child star na si Barbara Miguel ang naglikha ng ingay dahil sa pagkapanalo niya bilang best actress sa Harlem International Film Festival in New York para sa indie film na Nuwebe.

Nakikilala na rin ang dating Starstruck Kid contestant na si Sandy Talag dahil siya ang bida sa isang Dutch-Filipino film na Lilet Never Happened na tungkol sa child prostitution sa ating bansa. Nanalo bilang best youth film ito sa Copenhagen International Film Festival sa Denmark noong Sept. 15.

Napanalunan din ng naturang pelikula ang audience award sa 16th Auburn Film Festival for Children and Young Adults sa Sydney, Australia noong Sept. 16 to 20.

Si Sandy Talag ay naging kasabayan nina Bea Binene, Miguel Tanfelix, at Ella Guevara sa Starstruck Kids noong 2004.

Lumabas din si Sandy sa maraming GMA shows at huli siyang napanood sa Kidlat ng TV5.

Kasama rin ni Sandy sa Lilet Never Happened sina John Arcilla, Marife Necesito, at ang Dutch actress na si Johanna Ter Steege. Kinunan ang pelikula sa Manila by Dutch director Jacco Groen. Ilang beses na raw nakarating sa Pilipinas si Groen kaya alam niya ang problema tungkol sa child prostitution sa ating bansa.

“With this movie we really hope to raise awareness about the sad reality of child prostitutes not only in the Philippines but all over the world.

“I started to make a documentary many years ago then I met a girl, the real Lilet, in a mental hospital one day after she tried to commit suicide.

“It was such a strong story...This story never left my mind. When I came back five months later I couldn’t find her anymore. Then I said I would do this story in a drama film. It’s not a depressing type of film because the girl I met is a tough kind of girl,” pahayag ng direktor.

 Pinuri niya ang 15-year-old lead star dahil sa mahusay na pagganap bilang si Lilet sa kanyang pelikula.

Naipadala na ang kanyang pelikula sa 22 international film festivals. Nakarating na ito sa Warsaw International Film Festival (Poland), International Film Festival India, Moscow International Film Festival (Russia), Zlin Film Festival for Children and Youth (Czech Republic), Zanzibar International Film Festival (Tanzania), at Kristiansand International Youth Film Festival (Norway) at doon nagwagi ng best youth film (2013). Sa October ay kasali ito sa The International Film Festival sa Manhattan sa New York.

 Ipapalabas din ang Lilet Never Happened sa Switzerland, Australia, Armenia, Dubai, at India.  Ipapalabas naman sa Pilipinas ang pelikula sa December.

OTJ hindi raw na-pulitika ng FAP para sa Oscars

Ipinagtanggol ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang pagkakapili nila sa indie film na Transit bilang entry natin sa best foreign language category ng 86th Academy Awards.

Meron kasing mga kumukuwestiyon sa choice ng FAP dahil sa tingin ng iba ay mas qualified ang Thy Womb ni Brillante Mendoza at OTJ (On the Job) ni Erik Matti.

Ayon sa FAP selection committee head na si Direk Peque Gallaga na merong ipinakakalat si Direk Erik Matti na usapin na sinulatan daw ng ilang senators at congressmen ang FAP at pinipigilan silang piliin ang OTJ para maging Philippine entry sa 2014 Oscars.

Sa isang statement na ipinadala ni Gallaga sa media, nakasaad doon na walang “politics” sa pagpili nila ng pelikulang Transit over OTJ or Thy Womb.

“There was no politics at all in the selection pro­cess. I find the insinuations insulting.

“I am speaking in behalf of the respected selection body comprised of Jobert Arevalo, Gina Alajar, Elwood Perez, William Mayo, Joe Carreon, and Jess Navarro. We did our work professionally, responsibly, and we sat down intelligently to discuss the merits of the potential entries Thy Womb, On the Job, and Transit,” sabi ng direktor.

Napili ng FAP selection committee ang Transit dahil sa “different style” nito at “new approach” to cinematography.

Meron din nga itong “strong family values” na ipinapakita na siyang tatak ng bawat pelikulang Pinoy.

Nagbigay din ng kanyang comment ang FAP director-general na si Leo Martinez na kasama sa cast ng OTJ tungkol sa political lobbying na issue sa FAP.

“Hindi naman kapani-paniwala na may lobbying against On the Job.

“Senators were in fact endorsing Thy Womb,” pag-amin pa niya.

Nagpapasalamat naman ang director ng Transit na si Hannah Espia at ang producer nitong si Paul Soriano dahil sa pagpili at pagtanggol ng FAP sa kanilang pelikula.

 

Show comments