Direk Wenn proud na galing sa kanyang sinapupunan ang dalawang anak!

Maliban sa pag-amin ni Direk Wenn Deramas na inspired siya sa pelikulang Ang Tatay Kong Nanay, pinangunahan ni Dolphy at ng noo’y child actor pang si Niño Muhlach, nang mag-decide siyang gawin ng Bekikang, the film is also partly patterned after his life.

Tulad sa kuwento ng Ang Tatay Kong Nanay, may ampon din ang lead star niyang si Joey Paras na supposedly ay anak ng isang lalaking kanyang minahal (papel ni Tom Rodriguez).

In real life, Direk Wenn is a parent to two children, Gab, 13 years old, at Raffy, three. Para sa kanya, tunay niyang mga anak ang dalawang bata. Kapwa ang mga ito galing daw sa kanyang sinapupunan.

Well, in Bekikang, soon to open in theaters nationwide, it’s exactly how he is bringing up his two children ang ‘‘ipinagawa’’ niyang tipo ng panga­ngalaga ni Joey sa supposed ampon niya sa pelikula. Nagpapatunay lang na ang isang single parent can be both a father and mother to his children kahit pa beki.

At ito rin, according to Direk Wenn, the way he was brought up by his mother, a single parent. His Mommy Lydia was both a father and mother to him and his siblings.

But never did she hear her complain. Maski at that time, she needed to work double time para lang mabigyan sila ng magandang buhay. Kasama na ang determination na mapatapos silang lahat ng magkakapatid sa kanilang pag-aaral.

Hanggang ngayon daw, ’di pa rin mapigilan ni Direk Wenn ang mapaiyak tuwing maaalala niya ang ina. She was a sprightly 77-year-old and never did it enter his mind, or perhaps even her mom’s, na basta babagsak na lamang ito isang araw and never will recover.

Ganun pa man, feeling daw ni Direk Wenn, his mother is still around, looking after him and guiding his every move.

Lucho ni Judy Ann ang daling naka-adjust sa mga contestant

Excited si Judy Ann Santos about her new show na Bet On Your Baby kasi feeling niya her role bilang host is tailormade for her.

A mom in real life to two children, si Yohan, se­ven years old na at si Lucho, magti-three, halos lahat daw ng kids na kasali sa contest ay kasing edad ng kanyang bunso, so much so, sa una raw ng taping niya for the show ay dinala niya ang bagets. True enough, ang dali nitong naka-interact sa mga batang contes­tant.

Feel ni Judy Ann, the show is both educational and entertaining kasi though it involves as a lot of games familiar to kids from two to three and a half years old, nagkakaroon din ng strong bonding moments ang parents and their kids.

Almost all of the kid contestants are requested to be accompanied by their parents although, according na nga rin kay Judy Ann, puwede ring sumali ang mga single parent.

Enjoy daw siyang makita ang mga bata at halos may mga hawig ang gustong laro. Lalo pa nga at kasama ng mga ito ang kanilang ama at ina. Markado raw talaga ang kasiyahang nadarama ng mga bata.

Well, sa presscon for Bet On Your Baby ay may nagtanong kay Judy Ann kung sa edad ba ng two to three and a half years old ay masasalamin na niya ang tunay na “gender” ng isang bata?

Natawa, sabi niya ay mag-oobserba raw siya.

Nabanggit namin kasi kay Judy Ann na nasabi ni Joey Paras during naman ng kanyang presscon for Bekikang, he was only three and a half years old when he realized na bakla siya.

Well, a writer na nasa presscon revealed na tatlong taong gulang lang siya ay alam niyang beki na siya. Only child daw kasi siya at sobrang close siya sa kanyang ina.

Another said naman na late na, dahil nasa college na siya, when he felt kakaiba ang kanyang mga type kesa mga kapatid niyang lalaki.

Eh ang pagiging tomboy kaya puwedeng ma-detect din at an early age?

Well, ’di ba sabi ni Charice, sobrang bata siya nang ma-realize niyang iba ang kanyang pagkatao?

 

Show comments