Heart TL na TL talaga kay Chiz, pinagtatawanan na lang si Sid

Secured na secured si Sen. Chiz Escudero sa love affair nila ni Heart Evangelista. Walang dahilan para pagselosan niya ang pagtatambal nina Heart at Sid Lucero sa Magkano Ba ang Pag-Ibig? na afternoon drama series ng GMA 7 na magsisimula bukas.

Nagkaroon ng nakaraan sina Heart at Sid noong nagkasama sila sa Legacy, ang defunct primetime show ng Kapuso Network.

Hindi sana mabubunyag ang sikreto ng dalawa kung hindi umamin at nagkuwento si Heart sa presscon ng Magkano Ba ang Pag-Ibig?

Shocked na shocked si Sid dahil hindi nito inaasahan na uungkatin ni Heart sa harap ng entertainment press ang isang makulay na episode ng kanilang buhay.

Tumatawa na lang si Heart kapag napag-uusapan ang past nila ni Sid. Walang dapat ika-insecure si Papa Chiz dahil siya ang one and only true love ng kanyang girlfriend.

Genesis presscon mapapanood sa buong mundo

Bukas ang grand presscon ng Genesis, ang bagong primetime show ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, at Lorna Tolentino.

Puwedeng mapanood sa buong mundo ang presscon ng Gene­sis via live streaming sa website ng GMA 7, ang www.gmanetwork.com/livestream. Sa mga gustong maki-join sa presscon, mag-log on lamang sa Kapuso website mula 7 p.m. hanggang 9 p.m.

Aktres na NPA biglang tumahimik sa isyung inumpisahan

Hindi pa sumasagot ang isang has been actress sa isyu na siya rin ang nag-umpisa. Baka nag-iisip pa ang aktres ng mga sasabihin dahil alam niya na wala siyang kalaban-laban.

Mataray at matapang lang ang aktres na mag-comment sa social media pero kahit ang kanyang Facebook account, tahimik. Baka hindi pa siya nakakapag-open ng Facebook dahil wala siyang koneksiyon sa Internet o hindi pa siya nakakapunta sa mga Internet cafe bilang NPA o no permanent address ang kanyang drama.

Regine magkoko-concert ng Silver hanggang Amerika

Bibiyahe sa Amerika si Regine Velasquez sa susunod na buwan para sa kanyang concert sa Costa Mesa, California.

Si Anna Puno ang producer ng Silver concert ni Regine. Dinala ni Anna sa US ang 25th anniversary show ni Regine para mapanood ito ng ating mga kababayan na fan ng Asia’s Songbird.

Sa Oct. 26 ang nasabing concert ni Regine na gaganapin sa Orange County Fair and Event Center.

Aicelle idinenay na third party kina Gian at Sheree

Pinagtawanan lang ni Aicelle Santos ang tsismis na siya ang third party sa hiwalayang Gian Magdangal at Sheree.

Natawa si Aicelle dahil walang katotohanan ang kumakalat na balita. Magkaibigan lamang sila ni Gian dahil nagkasama sila sa Sunday noontime show ng GMA 7.

In fairness kay Sheree, wala itong sinabi na ibang babae ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Gian. No comment lamang ang kanyang consistent sa sagot. 

Paolo ilalabas na ang bagong babae, paghuhubad ni Lian sa MAG hindi na big deal!

Hindi big deal kay Paolo Contis ang sexy pictorial ni Lian Paz para sa isang men’s magazine dahil hindi na siya nakikialam sa mga desisyon ng kanyang estranged wife.

One year pa lang ang nakalilipas mula nang maghiwalay ang dalawa pero recovered na reco­vered na sila. Ang bilis-bilis nila na naka-move on.

May mga ibang tao na na-link kina Paolo at Lian pero wala silang inaamin. Marami ang naintriga sa sinabi ni Paolo na darating ang araw na magkukuwento rin siya tungkol sa kanyang personal life. May kinalaman kaya ito sa balita na may bago nang karelasyon ang aktor?

 

Show comments