Heart masaya na para sa dating naka-live in!

MANILA, Philippines - Laman si Heart Evangelista sa halos lahat ng mga tabloid ngayon dahil sa mga sinabi niya tungkol sa ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales. Matagal-tagal din silang nagsama noon (live-in) at pinakialaman lang ng magulang ni Heart kaya nauwi rin sa hiwalayan ang ilang taon nilang pagsasama sa iisang bubong.

Pero ngayong may Sen. Chiz Escudero na si Heart at ikakasal na kay Kim Jones si Jericho, masaya na ang aktres para sa dati niyang dyowa.

Nasibak na The Voice contestant nagka-solo show

 Moving on din ngayon ang motto ng singer na si Rainner Acosta.  Lately kasi ay nasibak si Rainner sa ongoing show na Voice of the Philippines sa team ni Lea Salonga na marami ang umangal.

Kahit may kurot sa dibdib, ’di huminto ang ikot ng mundo kay Rainner. Bukod kasi sa malakas ang kanyang appeal, pambato niya ang kanyang singing voice at doon higit siyang nakahahatak ng pansin.

Patunay ngayong gabi, Sept. 25, sa Music Box sa Timog sa Quezon City, ay may show na ang singer. Pinamagatang Rainner Acosta, Without You, kasama niya ang It’s Showtime Kalokalike na si Mark dela Cruz, Pantene Palanca, Rajo Montes, at Pam Ortiz.

Show comments