Ipinasok din daw sa rehab, Raymart, may mga hawak na ebidensiya sa umano’y nagdo-droga si Claudine

‘May problema sa isip si Claudine’ – Gretchen, Marjorie, at JJ

MANILA, Philippines - Hindi na nakatiis si Raymart Santiago at kinontra na ang akusasyon ng dating asawa na si Claudine Barretto nang mag-file ito kamakailan ng mga kaso sa   Marikina Regional Trial Court.

Matagal ding nanahimik ang aktor sa mga ibinabato ng aktres, kabilang na ang paghingi ng permanent at temporary protection order  na ang ugat ay “physical, sexual, psychological and economic” abuse, pero kahapon ay nagsumite na si Raymart ng counter-affidavit na umabot sa 30 pahina.

Dito lumantad ang pagsasabi ng aktor na gumamit si Claudine ng droga at hawak niya ang ebidensiya gamit ang mga larawan at video. Kabilang pa sa pahayag na ibinigay sa korte ang mga testimonya ng mga nakakatandang kapatid ni Claudine, sina Gretchen, Marjorie, at JJ, na nagsasabing naniniwala silang “mentally ill” o may problema sa isip ang bunso nilang kapatid at kailangan talaga nito ng professional help.

Mayroon ding hawak na medical records si Raymart na magpapatunay na nag-positibo sa drug test si Claudine at pumasok sa rehabilitation center.

Sa katunayan, noong Abril na nag-away-away ang magkakapatid, naihayag na ni JJ ang kondisyon ni Claudine na minsan na itong naipasok sa ospital ng sariling magulang.

“May I remind you that it was you and dad who had her put in a hospital because you wanted to save her from destroying herself. Yes, Claudine is going through rough times. Again. And if you truly love her, then you should take concrete steps to save her rather than hitting Gretchen simply because she is standing up to Claudine,” matatandaang sabi ni JJ noong April.

Hinihintay ang kampo ni Claudine na pormal na sagutin ang affidavit ni Raymart sa Oct. 8.                                                                                    

 

Show comments