Titser hindi gaanong pumatok

Mukhang hindi masyadong matunog ang feedback sa ikalawang mini-series ng GMA News TV na Titser na pinagbibidahan ni Lovi Poe.

Ang Titser ang sumunod sa pinag-usapan at pinu­ring Bayan Ko na si Rocco Nacino ang bida. Katulad ng nauna, maganda rin ang paksa ng Titser at makikita ang mga karaniwang problema ng nagtuturo lalo na nga kung sa public school na eh barrio o malayo pa sa siyudad.

Ang kaso, masasayang ang effort ng buong produksiyon kung hindi naman mapapanood ng karamihang televiewers. Hindi kasi magkasing-lakas ang Titser at Bayan Ko. Hindi ba magkasing-appeal sina Rocco at Lovi?

Jennylyn naagawan ng eksena sa anak ko ‘yan

Ang tiyaga ng mga batang contestant sa Anak Ko ‘Yan ng GMA 7 kapag binibigyan sila ng assignment na production numbers ng kanilang mentors. Pati ang mga ina ay involved na involved.

Feel na feel kasi ng contestants ang pagkanta at pagsayaw nila. Kahit ang mga bulinggit ay cons­cious na pang-showbiz talaga ang ginagawa nila. Nakakatuwa kapag nakaka-blend sila sa mas ate at kuya nilang katunggali.

Sila ang mga star sa show kapag pinagpe-perform na. Nahahawi na ang mga host-mentor na sina Jennylyn Mercado, Rochelle Pangilinan, at Dulce.

Masuwerte ang mga nabibigyan ng pagkakataon sa mga reality talent show tulad ng Anak Ko ‘Yan dahil celebrity na ang mga nagtuturo ay malaki pa ang exposure nila. Pagkatapos ng hirap, may pagkakataon nang sumikat. Kahit talunan pa sa sinalihang palabas.

Sana lang ay huwag silang maabuso o sila ang mang-abuso kapag nagka-break na sa labas ng reality talent show.

The Voice winner hindi kayang ipanalo ng coach

Nakakadismaya naman na hindi superb ang mga napiling i-mentor at finalist na nina Bamboo Mañalac at Sarah Geronimo sa The Voice of the Philippines ng ABS-CBN.

Sa tinagal-tagal ng pag-ere ng singing contest at sa rami ng mga boses na pinakinggan ay nakapasok sa finals night ang Bamboo at Sarah G. soundalikes na sina Myk Perez at Morissette Amon. Pero kahit si Morissette ang kahawig ng kanyang coach ay si Klarisse de Guzman ang mas pinaboran ng text voters at ng Pop Princess mismo.

Personal choice ‘yun ng mga coach eh. Sa bandang huli ay magbobotohan pa rin naman. Pero kadalasan ay base rin sa palakasan ng hatak sa text votes at hindi talaga sa pagalingan ng boses.

Katulad ni Radha na kahit marami siyang mapabilib sa kanyang boses kung hindi naman siya iboboto ng pangkalahatang viewers ay wala ring mangyayari. Pero in fairness sa kalaban niyang si Mitoy Yonting, maganda rin ang boses ng male singer na datihang performer na pala sa Resorts World (venue ng Final Four night). Iba nga lang ang level ni Radha.

***

May ipare-rebyu?

E-mail: kibitzer.na.nicher@gmail.com

Show comments