Nagpapasalamat si Heart Evangelista dahil nabigyan ito ng matinding bagong proyekto ng GMA, ang Magkano Ba ang Pag-ibig Mo?
‘‘Gusto kong gumawa ng project na todo na o challenging gaya nito at sa mga susunod pang proyekto,’’ sabi ng aktres.
Hindi rin mahalaga kung gumanap siya sa mother role basta’t maganda talaga ang proyekto.
Hindi lang sa career masuwerte ngayon si Heart kundi gayun din sa pag-ibig. Sa isang taong relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero ay wala na siyang mahihiling pa. Wala nang hadlang sa kanyang magulang lalo na ang ama sa pagtanggap sa kanilang relasyon bagama’t unti-unti na ring nagkakaroon sila ng komunikasyon ng kanyang ina.
Wala na siyang mahihiling pa sa kabaitan at suporta ng nobyo. Hindi na kailangan ni Heart na magpalaam kapag may kissing scene siya sa teleserye.
‘‘Hindi siya seloso at marami akong natutunan sa kanya. I read current events and he asks my opinion about current issues.
“Hindi rin nakikialam si Chiz sa aking pananamit at pag-aayos,’’ aniya.
Gusto ni Heart na kumuha ng Fine Arts sa UP. Magaling magpinta ang magandang aktres. Seven years old pa lang ay nagdo-drawing na siya.
Mapapanood na sa Sept. 30 ang Magkano Ba ang Pag-ibig? at ibang Eloisa ang mapapanood na karakter ni Heart na napilitang pakasal sa isang mentally challenged dala ng pangangailangan ng pamilya lalo na sa pagkakasakit ng ama.
Ito’y mapapanood sa GMA Afternoon Prime, sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes.
Victor binibigyan ng gay tips ng mismong gf
Nakakuwentuhan namin si Victor Basa sa set ng My Husband’s Lover at naikuwento ang karakter na ginagampanan bilang ex-boyfriend ni Vincent o Tom Rodriguez.
Pinaghandaan niya ang karakter ng isang gay sa tulong ng kanyang nobyang si Divine Lee. Mahirap daw gampanan ang karakter ng soft na paminta.
Payag si Victor na makipaghalikan sa kapwa lalaki basta’t hinihingi ng role at siyempre dapat matindi ang project.
Naghahanda na sila sa pagkanta at pagsayaw sa concert ng My Husband’s Lover sa Oct. 11 kasama ang major cast.