Mark walang oras magmukmok
It seems walang time magmukmok si Mark Herras after ng breakup nila ni Ynna Asistio. Wala mang regular drama series ang aktor ngayon, sunud-sunod naman ang project na ibinibigay sa kanya ng GMA 7. Katulad ngayong araw ng Sabado, simula pa sa umaga, after ng Sarap Diva ni Regine Velasquez, mapapanood si Mark kasama si Julie Anne San Jose sa isang episode ng Maynila.
Sa hapon, after ng Startalk, Mark portrays the role of June Abrazado sa dramatization ng buhay ng dating aide ng yumaong si DILG Secretary Jesse Robredo sa first human drama show ng GMA 7, ang Bingit. Tamang-tama na ang pilot episode nila ay nag-coincide sa fiesta ng Nuestra Sra. de Peñafrancia today. Parehong deboto ng Mahal na Birhen sina Sec. Robredo at June at alamin kung naligtas ang huli dahil sa panyo ng Ina (tawag sa Birhen ng Peñafrancia) na ibinigay sa kanya ng asawa niya bago siya tumupad ng kanyang tungkulin kay Sec. Robredo.
At sa gabi, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko, gagampanan ni Mark ang role ng character actor-comedian na si Rez Cortez sa episode ng Magpakailanman ni Mel Tiangco. Kasama ni Mark si Tess Bomb na gumanap bilang si Candy Cortez. Inspiring ang buhay ng mag-asawang Rez at Candy na dapat maging example ng mga mag-asawang nagkakaroon ng problema sa kanilang pagsasama.
Lovi walang gustong balikan sa mga naging BF
Walang maalaala si Lovi Poe sa mga past love niya na gusto niyang balikan, tulad ng role na ginampanan niya sa Sana Dati na as Andrea, nakatakda na sana siyang ikasal pero may na-meet siyang isang guy kaya nalito siya at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Sa tunay na buhay kasi, kung mahal niya talaga ang isang lalaki at karelasyon na niya, hindi na siya tatanggap pa ng ibang manliligaw.
Pero naniniwala si Lovi na maaaring may isa rin siyang lalaking mamahalin, makatuluyan man niya ito o hindi, dahil naging maganda ang kanilang relasyon.
Naipalabas na sa Director’s Showcase category ng 9th Cinemalaya Independent Film Festival last July ang Sana Dati at dahil sa tinamong awards ng producer-director na si Jerrold Tarog, tinulungan siya ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films na muli itong maipalabas sa commercial run simula sa Sept. 25 at iri-release ng GMA Films in theaters nationwide. Nabigyan din ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Ang mga napanalunan nilang awards ay best film, best director, best supporting actor si TJ Trinidad, best sound ni Roger TJ Ladro, best original music score ni Jerrold Tarog, best editing ni Pats Ranyo, best production design ni Ericson Navarro, at best cinematography ni Mackie Galvez.
Entry sa Hawaii International Film Festival ang Sana Dati at nagpa-block off na si Lovi sa kanyang schedule para mag-attend kasama sina TJ Trinidad at Benjamin Alves.
- Latest