Aminado si Sarah Geronimo na naapektuhan siya sa mga comments ng kanyang mga fellow judges/coaches sa Voice of the Philippines na sina Lea Salonga at Bamboo. Kahit nasasaktan siya, hindi naman siya makapagreklamo, dahil bahagi ng show ang magpahayag ng kanya-kanyang opinion, tungkol sa pagkanta.
Ang tanging konsolasyon lang ni Sarah G, ang mga punang iniinda niya pala ay galing sa mga tinitingalang niyang fellow artist.
Siyempre, marami ka rin natutuhan sa mga pagpapalitan ninyo ng komento sa talent search.
Jessy malabong maging reyna ng Kapamilya!
Unang gumanap sa isang role na pinasikat sa mundo ni Thalia sa ating bansa ay si Marian RiveÂra na naging local version ng Marimar. After the Mexican original, sumikat nang husto si Marian at tanging bagong reyna ng GMA 7.
Ngayon naman si Jessy Mendiola ang bagong Maria Mercedes sa pinasikat din noon ni Thalia. Maasahan ba natin tanghalin siyang bagong reyna na ABS-CBN? Napakahirap! Marami pa kasing nag-uunahan sa trono sa Kapamilya Network.
Nora matindi ang ipinakita sa Kwento ni Mabuti...
Tiyak na masisiyahan kayo, makaka-relate at mabibigyan ng inspirasyon sa panonood ng Ang Kwento ni Mabuti, isa sa walong handog ng Cine Filipino Film Festival, directed by Mes De Guzman at kabilang si Nora Aunor sa mga mahuhusay na artistang gumanap.
The film’s simple plot adds luster to this gem of a movie in which most of the actors are plain village people in Nueva Vizcaya, na pawang mga kuminang kahit maikling papel lang ang ginampanan.
If the Superstar was a lesser performer, nakabog siya nang husto ng kanyang mga kasama sa pelikula.
Ibang La Aunor ang napanood namin sa Ang Kwento ni Mabuti. Consistent siya sa kanyang Ilocana characrer na isang matiising ina ng dalawang anak na nag-alaga ng kanyang apat na apo at masakiÂting, matandang ina.
Pati nga ang mga batang aktres na gumanap na mga apo, pawang natural ang galaw. Ang nagpapel na matandang ina ni Mabuti, posibleng maghakot ng best supporting actress award sa isang taon, kahit nga ni hindi namin alam ang kanyang pangalan.
Ang simpleng buhay sa mountainous terrain sa Nueva Vizcaya ang tila inusyoso lang namin. Buhay na buhay kasi ang bawat eksena at mukhang lahat ng tauhan hindi umaarte. Walang effort na mag-OA sa mga payak na tagpo, na kahit minsan hindi naging hysterical.
Kahit na very dramatic na ang isang eksena, tulad ng pagkamatay ng ina ni Mabuti, tulad ng kanyang optimistic role, nangiÂti pa si La Aunor, bago ang very moving na breakdown.
Ang bag na puno ng pera, iniwan ng isang misteryosang babaeng nakasabay niya sa bus pagpunta sa bayan at pasahero pa rin sa jeepney na sinakyan ni Mabuti, pag-uwi sa kanilang village.
Isa na naman memorable performance ang dinulot sa atin ni Ate Guy sa Ang kwento ni Mabuti.
Lalong tumibay ang bansag ng mga kritiko na she is the greatest actress of all time, sa ating bansa.
Alaga ni Bamboo minamanok na manalo sa The Voice...
Sa Linggo na ang grand finals ng The Voice of the Philippines. Hanggang sa huling yugto ng kompetisÂyon, si Paolo Onesa pa rin ang aming top favorite. Kahit hindi siya tanghalin na kampeon, siya ang tanging kalahok na tiyak na magiging bagong singing idol.
Ang sabi ng kanyang coach na si Bamboo, kakaiba ang boses ni Paolo at sarili niya ang kanyang istilo sa pagkanta. Tunay na maraming may higit na powerful voice kay Paolo, pero medyo sawa na kami sa mga pagkantang birit o sigaw nang sigaw.
Sa mga regular viewers ng Voice ang pinili nilang most likely to win ay sina Radha, Janice Javier, at Mitoy.