Julie Anne nag-ala Fatima Soriano
Kahit na kasagsagan ang ulan, hindi ito naging hadlang para hindi matuloy ang taping ng unang pagsasama nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin sa bagong GMA primetime teleserye na Kahit Nasaan Ka Man.
Kinunan na ang unang pagtatagpo ng dalawa kaso nga lang ay bulag ang role ni Julie Anne kaya hindi niya alam na tinititigan na pala siya ni Kristoffer.
Nagpapasalamat nga ang singer-actress dahil sa pagbibigay sa kanya ng magandang role. Inspired ang kuwento kay Fatima Soriano, isang bulag na umaawit ng religious songs.
Ipinanganak na bulag si Fatima at nagawa na ang kanyang life story noong nakaraang taon sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN 2.
Matagal hindi nakagawa ng TV series si Julie Anne. Huli pa niyang nagawa ay ang Together Forever kasama ang ka-love team na si Elmo Magalona.
“Mas nag-concentrate po ako sa recording after Together Forever. Nagpasabi naman ako na mas magiging priority ko ’yung album at hindi muna ako gagawa ng teleserye.
“Worth it naman po kasi naging maganda ang kinalabasan ng album. Umabot po siya ng five times platinum.
“Ngayon po, right timing lang na bumalik ako sa acting and nagkataon na maganda ang project na hinanda nila para sa aming dalawa ni Kristoffer,†pahayag ng Kapuso singer-actress.
Pagkatapos maghubad, Markki pahinga muna sa indie
Pagkatapos maghubo’t hubad sa indie film na Amor Y Muerte, balik sa paglabas sa theatre si Markki Stroem via Atlantis Productions’ Carrie, isang musical version ng hit thriller ni Stephen King. Gaganap bilang si Carrie ay si Mikki Bradshaw.
Wala raw regrets si Markki sa kanyang ginawang paghuhubad sa indie film dahil ginawa naman niya iyon na buo ang kalooban niya. Saka artistic naman daw ang mga shot kaya hindi niya ito ikakahiya.
Kasalukuyan ding sinu-shoot niya ang 10,000 Hours with Robin Padilla na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival.
May isang offer pa ngang indie film kay Markki pero hindi na niya ito tinanggap dahil hectic na ang schedule niya for Carrie. Magbubukas na ito sa RCBC Plaza Carlos Romulo Theatre sa Makati City ngayong Biyernes, Sept. 20 (hanggang Oct. 6). Para sa tickets, tawagan ang Atlantis sa 892-7078 o Ticketworld at 891-9999.
- Latest