Male celeb pinaglalaway ang mga bading sa gym

Enjoy pala ang male celebrity kapag alam niyang pinagnanasaan siya ng mga kapwa niya lalaki. Kapag alam niyang type siya ng isang bading, may gagawin siya para mas lalong mabaliw sa kanya. Pero parang panunukso lang ang ginagawa niya at mambibitin siya. Natutuwa nga siya sa reaction ng bading kapag alam niyang nabitin na sa kanya.

Sa isang kilalang gym pumupunta ang male celebrity. Sa gym na iyon ay maraming bading na nagpapanggap na tunay na lalaki. Malalaki rin ang mga katawan nila at sumasabay sila sa workout ng mga berdadero.

Hindi naman homophobic ang male celeb pero umiiwas na rin siyang mabiktima ng mga pekeng lalaki. Nakaranas na kasi siya noon na magoyo ng mga nagpapanggap na manly sa isang shower room. Wala pa kasi siyang kamuwang-muwang dati dahil isa pa siyang probinsiyano.

Ngayon ay mas marami na siyang alam at hilig na niya ay manukso ng mga natutunugan niyang bading pero bibitinin niya lang.

Tulad na lang sa mga mahilig tumambay sa locker room, bigla na lang maglalakad na naka-underwear na lang ang male celeb sa harap ng mga pamintang durog. Kunwari ay nakikipagkuwentuhan ito at panay ang hawak niya sa garter ng kanyang underwear.

Kitang-kita ang pagiging hayok ng mga pamintang durog sa kanyang magandang katawan. Pero bigla na lang niyang tatakpan ng tuwalya ang sarili niya at magpapaalam na siya. Natatawa na lang ang malokong celebrity sa reaction ng mga ka-gym.

Kaya nga kilala na siya na isang “cock teaser.” Pero kahit nga nambibitin siya, inaabangan pa rin siya ng mga pa-mhin dahil sa libreng show na ginagawa niya para sa kanila.

Ritz gustong maka-duet si Ogie

Inamin ni Ritz Azul na nangamba siya na baka hindi na siya magbida ulit sa isang teleserye sa TV5 dahil sa pagkakaroon ng bagong management sa entertainment division. Nag-resign na kasi sa posisyon si Perci Intalan na siyang nag-alaga sa kanya at binigyan siya ng malalaking projects tulad ng Glamorosa, Kidlat, at Misibis Bay.

Pero na-assure naman ang teen star ng TV5 na patuloy ang pag-build up sa kanya dahil may napatunayan naman na siya bilang kanilang talent.

“May mga naka-line up na raw na mga gagawin bago matapos ang taon at sa pagpasok ng 2014. Kaya excited po ako na tuluy-tuloy lang ang trabaho ko,” ngiti ni Ritz.

Kasama siya sa gag show na Tropa Mo Ko Unli with Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Wendell Ramos, Tuesday Vargas, at marami pang iba.

“Nakakatuwa pong makatrabaho si Sir Ogie. Kasi napapanood ko lang sya noon sa Bubble Gang at sa ibang shows niya sa GMA 7. Ngayon ay nandito na siya sa TV5 kaya napakasuwerte namin.

“Pangarap ko na maka-duet siya balang-araw. Kung papayag ba si Sir Ogie, isa ‘yan sa magpapasaya sa akin,” sabi ni Ritz.

Jay-R binigyan ng responsibilidad na mag-lead

 Malaking challenge kay Jay-R na siya ang napiling bagong team leader ng Tropang Trending ng Sunday All Stars.

Nakilala na kasi ang Tropang Trending bilang most awarded team dahil sa pitong panalo nito sa first season ng show.

“It’s a big challenge and I am working closely with my team. Mga bago kaming lahat sa team dahil nagpapalit-palit na. But I am happy that Rochelle Pangilinan is still with Tropang Trending. We will come up with a good production number this Sunday,” say ng R&B singer.

 

Show comments