Imelda Marcos walang planong magretiro sa pulitika
MANILA, Philippines - Tahasang ibinunyag ni Ilocos Norte congresswoman Imelda Marcos kay Anthony Taberna ang kagustuhan niyang tumakbo ang anak na si Senator Bongbong Marcos sa pagkapresidente sa 2016 ngayong Huwebes (Setyembre 12) sa Tapatan ni Tunying.
Malaki ang tiwala ng dating unang ginang sa kakayahan at potensiyal ng anak na masundan ang yapak ng kanyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos.
“Bilang isang nanay, pinag-aral natin ‘yan sa pinakamagaling na eskuwelahan. Maganda ang record ni Bongbong at meron siyang magandang pananaw para sa bansa. Ang gusto ko sa mga anak ko, ang laki ng pagmamahal nila sa bayan,†sabi niya.
Sa edad na 84, inihayag din ni Imelda na wala pa siyang balak na magretiro.
“Sayang naman yung konti kong karanasan lalo na sa pagtulong sa bayan. Alam mo naman ang potensyal ng gobyerno kung talagang seryoso ka tumulong sa kapwa mo,†pahayag ng dating unang ginang.
Samantala, nilinaw naman ni Bongbong na wala pang kasiguruhan ang pagtakbo niya bilang pangulo sa 2016 kahit pa ganon na lamang ang pagsuporta ng kanyang ina.
“Noong bata ako, ayoko pumasok sa pulitika. Talagang umiiwas ako. Sabi ko, bakit ako magpupulitiko kung naging presidente na ang tatay ko? Saka hindi naman pangkaraniwan ang maging pangulo. So, umiiwas ako sa ganun noon,†kwento ni Bongbong.
Sasagutin din ng Senador ang ilang tanong patungkol sa walang-kupas na isyu tungkol sa diumano’y mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.
Drew nagsawa sa Lechon Cebu
Sa pagpapatuloy ng back-to-back Visayas Special ng Biyahe ni Drew sa Biyernes, bibisitahin naman ng beteranong biyahero ang Queen City of the South, ang Cebu!
Malaki ang naging bahagi ng Cebu sa kasaysayan ng Pilipinas. Dito kasi unang dumating ang explorer na si Ferdinand Magellan na siyang nagdala ng Kristiyanismo sa bansa. Ang Magellan’s Cross na sumisimbolo ng makasaysayang pangyayaring ito ay makikita sa puso ng siyudad. Narito rin ang sikat na Sto. Nino Church na dinadayo ng maraming debotong Katoliko.
Pero ang dadayuhin ni Drew, ang masarap at malutong na Cebu’s Pride, ang lechon! Sa amoy pa lang, maglalaway ka na. At ang crispy at crunchy na tunog ng malutong na balat, musika raw sa panÂdinig ni Drew! Sa Mandaue City, kaliwa’t kanan ang mga tindahan ng lechon. Kaya ang ultimate biyahero, magpapakasawa sa lahat ng klase ng lechon na meron ang Cebu—mula lechonok hanggang sa organic, spicy, at boneless.
Sa Larsian naman, ihaw-ihaw ang uso. Sa rami ng food choices, piliin na lang kung ano ang ipapaihaw. Siyempre hindi mawawala ang puso o hanging rice na paborito ng mga Cebuanong i-partner sa kahit na anong ulam.
Samantala, sa nakagawiang Biyahero Run ni Drew, hindi takbo kundi padyak ang gagawin niya. Makikipagsabayan siya sa mga Bugoy Bikers— isang grupo na nagbibigay ng cycling tours sa buong Pilipinas— para sa kakaibang paglilibot sa Cebu. Dadayuhin din niya ang Nalusuan Island, isa sa mga karatig-isla ng Cebu, para mag-food at nature-trip. Pero ang highlight ng island visit niya, ang pagsisid sa isang marine sanctuary para makita ang mayaman at malusog na marine life ng isla.
Para kay Drew, highly-urbanized at crowded man ang Cebu, there are still so many reasons to love it! Kaya sama na sa pagpapatuloy ng Visayas Special ng Biyahe ni Drew sa Cebu, sa Biyernes, 10 p.m. sa GMA News TV.
- Latest