Babagwa makikipagsalpukan sa Momzilla!

May pamana na si Pen Medina sa kanyang mga anak na lalake na sina Ping, Alex, at  Karl dahil mga aktor na rin sila.

Mahusay na aktor si Pen at nagmana sa talent niya ang tatlong anak. Nagkuwento kahapon si Alex sa presscon ng Babagwa tungkol sa kanyang ibang mga kapatid na type rin na sundan ang yapak nila kaya nalaman ng mga reporter na may kapatid sila sa ama.

Masusuwerte ang mga anak ni Pen dahil hindi sila nawawalan ng mga movie project. In demand na in demand sila sa mga indie movie.

Siyempre, pinakamasuwerte si Alex dahil nabigyan siya ng ABS-CBN ng mga TV show na naging dahilan para makilala siya ng mga tao.

Si Alex ang lead actor sa Babagwa. May mga nagkomento na siya ang karapat-dapat na nag-win ng best actor trophy, hindi ang transgender na si Mimi Juareza, ang bida sa Quick Change. Hindi dinamdam ni Alex ang nangyari pero gusto niya na mapanood ang pelikula na nagbigay ng best actor award kay Mimi.

Showing sa mga sinehan sa September 18 ang Babagwa. Ang sabi ni Atty. Joji Alonzo, September 18 ang talagang playdate ng pelikula na siya ang producer. Kumbaga, wala na siyang kontrol kung makakalaban sa takilya ng Babagwa ang Momzillas.

Napag-usapan sa presscon ng Babagwa ang Momzillas dahil bida rin dito ang komedyante na si Joey Paras. Dalawang pelikula ni Joey ang magkasabay na magbubukas sa mga sinehan sa September 18.

Badil at Tinik hindi agad natapos

True na hindi naipalabas kahapon sa mga sinehan ang Badil ni Chito Roño pero starting today, mapapanood na ang kanyang pelikula na kasali sa Sineng Pambansa: All Master’s Edition.

Tiniyak ng aking source na maipalalabas na sa SM Cinemas ang Badil, pati na ang ibang mga pelikula na hindi natuloy ang screening kahapon.

Marami ang curious na mapanood ang Badil dahil clueless sila sa kuwento ng bagong obra maestro ni Chito. Nagulat na lamang ang lahat dahil tatahi-tahimik si Chito pero nakatapos ito ng isang pelikula.

May tema ng kabaklaan ang Tinik, ang pelikula ni Romy Suzara. May sariling isyu ang Tinik na originally, pagbibidahan sana nina Raymond Bagatsing at Hayden Kho, Jr.

Nag-back out ang dalawa kaya ipinalit sa kanila sina Ricardo Cepeda at Lemuel Pelayo. Hindi raw nagkamali ang produ ng pelikula sa pagpili kina Ricardo at Lemuel dahil game na game ang dalawa sa kanilang mga gay love scene.

Hindi lang ako sure kung hanggang saan ang paghuhubad ni Lemuel dahil may mga limitasyon siya. Konserbatibo ang pamilya ni Lemuel. Baka hindi nila ma-take na mapanood sa wide screen ang hubad na katawan ng model-turned-actor.

Ex ni Aiza may iba na ring dyowa

Ang dating beauty queen na si Liza Dino ang special someone ngayon ni Aiza Seguerra. Paano na ang young female singer na nali-link sa kanya noon? Ma at pa dahil never naman na inamin ni Aiza na may relasyon sila ng young female  singer. Ang mga tao lamang ang nag-speculate dahil madalas sila na nakikita na magkasama.

Pero may nabalitaan ako tungkol sa isang tao na dati rin na malapit kay Aiza. Happy daw ngayon ang tao na tinutukoy ko dahil sa kanyang bagong kaibigan na may koneksyon sa showbiz.

Huwag n’yo nang alamin ang kanilang mga pangalan dahil mga pribadong tao sila. Tama na ‘yung maligaya ang dalawa dahil lalong tumitibay ang special friendship nila.

Show comments