Natutuwa si Sharmaine Arnaiz at active na ulit ang kanyang showbiz career. Aminado si Sharmaine na kahit hindi pa siya pumapayat ng husto ay sunud-sunod naman ang naging TV dramas niya.
“I never really thought na makakabalik pa ako talaga sa pag-arte. I have three kids na at hindi na ako naging conscious sa figure ko kasi nga, feeling ko, hindi na ako nami-miss ng showbiz. Nag-focus na lang ako sa pagiging mother and wife ko,†paliwanag ni Sharmaine.
Pero dahil sa pagpilit sa kanya ni Direk Maryo J. Delos Reyes, nabigyan ulit ang aktres ng pagkaÂkataon na makabalik sa pag-arte.
“Noong una, ayoko talaga, kasi nga ang taba-taba ko. Parang magiÂging katatawanan lang ako. The last TV series I did was Kung Mawawala Ka for GMA 7 din. That time, wala pa akong asawa at payat pa ako.
“Pero sabi ni Direk Maryo, hahanapan niya ako ng tamang role. Nanghihinayang kasi siya sa akin dahil puwede pa akong magbalik sa pag-arte. So, ang naging comeback ko sa TV was Munting Heredera. After that, I did Kasalanan Bang Ibigin Ka, My Beloved, Magdalena, at now itong Binoy Henyo,†ngiti niya.
Isang award-winning actress si Sharmaine dahil sa pelikulang Saan Ka Man Naroroon na nag-uwi siya ng dalawang best supporting actress awards mula sa FAMAS at Gawad Urian.
Nagkaroon din siya ng acting nominations para sa mga pelikulang Milagros, Ipaglaban Mo: The Movie, at Sagad sa Init.
Ang huling movie ni Sharmaine ay noong 2002 pa in Alamat ng Lawin. Kung gagawa raw siya ulit ng pelikula, gusto niyang makasama ay si Vilma Santos dahil never pa niya itong nakatrabaho.
Tungkol naman sa anak ni Bunny kay Mo Twister na si Moira, kuwento ni Sharmaine na 13 years old na raw ito pero patuloy itong lumalaban sa kanyang sakit na kung tawagin ay Miller-Fisher Syndrome.
Isa itong rare, acquired nerve disease that is a vaÂriant of Guillain-Barré syndrome. It is characterized by abnormal muscle coordination, paralysis of the eye muscles, and absence of the tendon reflexes. Like Guillain-Barré syndrome, symptoms may be preceded by a viral illness. Additional symptoms include generalized muscle weakness and respiratory failure.
“The doctor said that ‘yung sakit ni Moira will further develop as she gets older. Pero ang maganda kay Moira she’s a fighter. Ayaw niyang isipin na may sakit siya. She doesn’t want to talk about it kahit sa amin o sa mga kaibigan niya.
“Normal naman siyang kumilos. But when you walk with her, mapapansin mo na she walks diffeÂrently. ’Yung balance niya ay hindi normal. But we are always there for her. We just want her to know na mahal namin siya and she will be able to survive this,†sabi ng aktres sa kanyang pamangkin.
Hindi naman daw pinapabayaan ni Mo ang kanyang anak. Pero hindi na sila nagkakausap ni Bunny.
Say pa niya, “I guess there is no need for them to talk. May kanya-kanya na silang buhay eh. Ang gusto lang ni Bunny is ’yung mga ipinangako niya kay Moira ay tuparin niya and Mo has been doing it naman.â€
Sofia Vergara pinakamalaking kumita sa mga tv actress
Si Sofia Vergara ang tinanghal na highest-paid actress on US television for the second consecutive year, ayon sa Forbes Magazine.
May estimated earnings si Vergara na $30 million dahil sa kanyang hit comedy series na Modern Family.
Tinalo ni Vergara ang ibang actresses tulad nina Mariska Hargitay ng Law and Order: Special Victims Unit at Kaley Cuoco ng The Big Bang Theory. Parehong kumita ang dalawa ng $11 million.
“As the reigning queen of celebrity endorsement deals, Vergara’s earnings over the past year reached $30 million — making her far and away the highest-paid actress on prime time,†dagdag pa ng Forbes.com.
Hindi lang sa TV show galing ang kita ni Vergara dahil meron siyang sariling line of clothing and home goods na ibinebenta sa Sears Holding Corp’s retailer na Kmart. Endorser din siya ng Diet Pepsi and Cover Girl makeup.
Ang ibang pang nasa listahan ay ang magkakaÂpatid na Kourtney, Kim, and Khloe Kardashian na kumita ng $10 million dahil sa reality show nilang Keeping Up with the Kardashians.