Isang deliberation na lang ang kailangan Nora at Dolphy sure na sa pagiging National Artist

MANILA, Philippines - Isang deliberation na lang pagkatapos ng second screening at itatanghal na National Artist sina Nora Aunor at Dolphy.  Sa takbo ng proseso, majority ng committee ang boto sa dalawang haligi ng industriya.  Dapat ay last year na nga sana ito naganap, noong buhay pa si Dolphy.

Anyway, dadalo si Nora sa part 2 ng Million People March sa EDSA dahil hindi siya nakadalo sa Luneta nitong huli.  Dama ni La Aunor ang kahirapan ng bayan na sinasamantala lang ng mga nang-aabuso sa pork  barrel.

 â€œPupunta na ako this time para ipaglaban ang karapatan ng mga mahihirap,” sabi ni Ate Guy.

Megan naiyak sa suporta

Sayang daw ang beauty ni Megan Young kung uuwi siyang luhaan sa Miss World. Sa send-off party niya kamakailan sa Miss World, napaiyak siya dahil sa tindi ng suporta ng mga kaibigan niya at kakilala. Pinayuhan siya na huwag na lang pansinin ang mga bashers na puro nega ang tira sa kanya!

 â€œBasta, i want to enjoy the contest,” sabi na lang niya.

 Si Megan ang ikalawang representative ng bansa sa Miss World na artista bago sumali sa contest. Una si Ruffa Gutierrez na nag-second runner-up. Sana nga mas mataas ang makuhang premyo ni Meagan, kung puwede sana, ang korona na ng Miss World.  Hoooray!                         

Jillian pinalitan ni Ryzza sa isang endorsement

Nagkaharap at nagkakilala na last September 1 sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino-Yap.  Mukhang nagkahiyaan pa ang dalawang bulilit noong umpisa, pero ‘di naglaon nagkatawanan na sila.

Kagagaling lang ni Ryzza sa commercial shoot nila ni Mr. Fu. Nang tanungin ang agency kung may iba pa bang batang kinunsider sa commercial sinabi nitong si Ryzza lang.  “Walang iba pa.  Kasi wala na yung batang katapat niya!” diin nito.

Yung batang sinasabi ng agency na wala na ay si Jillian Ward.

                                                                                           

 

Show comments