^

Pang Movies

Hindi lang si Anne ang na-feature Ruffa sinundan ng E! News sa Italy

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi lang si Anne Curtis ang na-feature ng E! News Asia kundi pati rin si Ruffa Gutierrez.

Sinundan ng E! News Asia si Ruffa sa kanyang naging photo shoot sa Milan, Italy para sa Metro magazine.

Ipinakita ang pagiging bubbly at fabulous ni Ruffa habang inaayusan siya at kinukunan para sa magazine.

Iba naman ang kay Anne dahil ang kanyang cha­rity event ang kinunan ng E! News Asia. Nakita nila kung gaano kasikat si Anne sa ating bansa at dinagsa ng marami ang kanyang charity event para maka-raise ng funds para sa mga naging biktima ng baha noong bagyong Maring.

Bukod naman sa pagiging glamorous ay may ginintuang puso si Anne na handang i-share ang kanyang blessings sa mga nanga­ngailangan ng tulong.

Benjamin bibida sa Katipunan

Masayang ibinalita ng Kapuso leading man na si Benjamin Alves na magsisimula na siyang mag-taping para sa bagong original series ng GMA News TV titled Katipunan.

Ito ang ikatlong original series ng naturang news channel ng Kapuso Network. Nauna na rito ay ang Bayan Ko na pinagbidahan ni Rocco Nacino at ikalawa ay ang kasalukuyang iniere na Titser na bida si Lovi Poe.

Isang period documentary-drama ang Katipunan at makakasama ni Benjamin sina Sid Lucero at Dominic Roco.

“I’m very happy to be part of this project. It’s an eight-part documentary-drama that will focus on the life of one of our heroes, Andres Bonifacio, during the Philippine Revolution and how he founded the Katipunan.

“This is one of the biggest projects I will be a part of and I am proud to be part of television history,” pahayag pa ni Benjamin nang makapanayam namin siya via direct messaging sa Twitter.

Ang Katipunan ay isasabay sa 150th birth anniversary ni Gat Andres Bonifacio. Ang award-winning actor na si Sid Lucero ang gaganap bilang Supremo (Bonifacio).

Nabanggit ni Benjamin na ang kanyang indie film na Sana Dati with Lovi Poe and Paulo Avelino ay magkakaroon ng commercial release sa mga movie theater on Sept. 25.

Nanalo ng walong awards sa Director’s Showcase ng 9th Cinemalaya Independent Film Festival ang Sana Dati na mula sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

Mahalay na sayaw ni Miley Cirus pinuna ng One Direction

Hindi sumang-ayon ang One Direction member na si Harry Styles sa ginawang pagsasayaw na “twerking” ni Miley Cyrus noong nakaraang MTV Video Music Awards event.

Ang naturang dance move raw ay hindi katanggap-tanggap.

 â€œI think it’s quite inappropriate. Especially for the age groups it’s aimed at. I think it’s, you know, promoting promiscuity,” say pa ni Harry sa kanyang interview sa Moviefone.

Nasubukan na rin ni Harry na mag-twerk noong Teen Choice Awards pero ito ay dahil naging katuwaan lang ng kanilang grupo.

Iba raw kasi ang ginawa ni Miley na pag-twerk kay Robin Thicke. Nag-send out daw ng wrong message si Miley sa mga kabataan.

Kasalukuyang number one worldwide ang 3D movie ng One Direction na This is Us. Isa sila sa pinaka-successful na boybands in music history.

 

 

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

ANG KATIPUNAN

BAYAN KO

BENJAMIN ALVES

KATIPUNAN

NEWS ASIA

ONE DIRECTION

SANA DATI

SID LUCERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with