Enjoy magturo sa walang karanasan: Aktres ginawang sexpert ang virgin na boyfriend

MANILA, Philippines - Makati palang talaga ang isang aktres lalo na kapag virgin pa sa babae ang boyfriend. Sa halip na lalaki ang “doer,” sa sex, mas higit siyang aktibo kesa sa lalaki!

Kaya naman daw nung magkaroon ng boyfriend na mas bata sa kanya at nalaman niyang virgin pa sa babae, siya raw talaga ang nagturo sa young actor sa sex. No wonder, naging sunud-sunuran ang young actor sa ipinagagawa sa kanya ng girlfriend!

’Yun nga lang, madaling nagsawa ang aktres sa boyfriend kaya kinalasan niya rin ito. Nagawa man niyang turuan ang aktor sa sex, hindi pa rin siya makuntento sa kaalaman nito.

So look na naman ng bagong boyfriend ang aktres na makaka-sa­tisfy ng kauhawan sa pakikipagtalik.

Solenn matamlay ang role sa serye ni Lovi

Absent si Solenn Heussaff sa press launch ng Akin Pa Rin ang  Bukas. Friend pa naman niya ang bida na si Lovi Poe kaya naman kataka-taka ’yung pagkawala niya sa launch ng bagong GMA show.

Nang ipalabas ang TV plug, halata na support lang ang role ni Solenn. Wala siyang markadong eksena kumpara kay Charee Pineda na malaman ang role.

Sa totoo lang naman, nagbida na si Solenn sa ilang movies. Pero rito sa bagong drama series ng Kapuso Network, matamlay ang kanyang role. So, dahilan marahil iyon upang umurong siya sa press launch.

Diana kinukulit ni Rayver

Malaking tulong ang pagkaroon ni Diana Zubiri ng best actress award sa indie movie niyang Bahay Bata kaya naman kinuha siya ng ABS-CBN bilang contract artist. Last year pa pumirma ng kontrata sa Dos ang aktres at nakalabas na siya sa Wansapanataym at Maalaala Mo Kaya? Kasama rin siya sa Juan dela Cruz.

Ngayon ay bahagi na si Diana ng Bukas na Lang Kita Mamahalin. Bilang ganti naman, nagpapayat siya bilang tugon sa tiwala ng executives ng Dos.

“Wala kasi akong ginagawa that time kundi ang pag-aaral,” rason ni Diana nang aming makatsikahan.

Bago man ang paligid na pinagtatrabahuhan, nakadama naman ng init at suporta si Diana sa mga artistang kasama niya sa teleserye gaya nina Gerald Anderson at Rayver Cruz.

“Hindi masyadong masalita si Gerald pero mabait naman. Si Rayver ang madalas kong kaeksena kaya madalas siyang magsimula ng conversation. Palibhasa bata pa kaya makulit si Rayver. Hahaha!” pagbubuko ng aktres.

“Mas madalas kong kausap si Miss D (Dina Bonnevie) at masarap siyang kausap dahil marami siyang kuwento.”

         

Show comments