^

Pang Movies

Pinoy MD ipapasilip ang galing ng pillcam ngayong Sabado

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pagsulong ng teknolohiya ay nakakatulong sa mga doktor para tukuyin ang iba’t ibang klase ng sakit.

Ngayong Sabado, Agosto 31, aalamin ng Pinoy MD ang kakaibang teknolohiya ng pillcam, isang maliit na camera na maaaring inumin na parang kapsula para makuhanan ang iba’t ibang imahe sa loob ng bituka.

Dahil sa teknolohiyang ito, hindi na kailangang operahan ang mga may problema sa bituka para malaman ang sanhi ng kanilang sakit. Ang mga laging­ sumasakit ang tiyan o tagiliran o mga dinurugo, mas magkakaroon ng malinaw na diagnosis sa pamamagitan nito. Alamin ang kakaibang imbensiyong ito ngayong Sabado.

Sisilipin din ng Pinoy MD ang katotohanan sa likod ng ilang problema sa mata tulad ng kuliti o ang pagiging kirat. Kailan ba dapat hayaan ang pamamagang ito at kailan naman dapat na ipakonsulta na sa doktor? Samantala, ayon naman sa ilang eksperto, ang pagiging kirat daw ay maaaring magdulot ng paglabo ng mata.

Bawat Sabado, serbisyo-publiko ang hatid nina Connie Sison, Dr. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, at Doc Oyie Balburias sa pamamagitan ng pagdadala ng tamang health information. Mapapanood ang Pinoy MD, alas-sais ng umaga, sa GMA 7.

 

BAWAT SABADO

CONNIE SISON

DOC DAVE AMPIL

DOC OYIE BALBURIAS

DR. JEAN MARQUEZ

DR. Q

DR. RAUL

NGAYONG SABADO

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with