Marami ang nanghihinayang sa kinahinatnan ng career ng isang dating child actor. Sikat na sikat siya noong bata pa siya pero nang bigla siyang lumaki ay tila nawalan na ng interes sa kanya ang kumontrata sa kanyang TV network.
Kahit na sinasabi nga ng dating child actor na okay lang na bigla siyang nawalan ng projects sa TV network na pinagmulan, alam ng mga malalapit sa kanya na sobra siyang na-depress dahil bigla na nga lang siyang dinedma ng mga nag-build up sa kanya.
Meron nga siyang isang show na sinimulang gawin kasama ang isang sikat na aktor. Pero bigla na lang itong pinatigil hanggang sa tuluyan nang ikansela.
Ngayon ay tutok na lang sa pag-aaral ang dating child actor at paminsan-minsan ay lumalabas sa isang cable show. Tanggap na rin niyang tapos na ang era niya dahil marami nang pumalit sa kanya.
Susan Enriquez balik-morning show
Simula ngayong Lunes, Aug. 26, ay magbabalik na ang tinaguriang Boses ng Masa na si Susan Enriquez sa long-running morning show ng GMA 7 na Unang Hirit. Regular host na si Mareng Susan at kung matatandaan ay naging kabahagi na siya ng programa mula pa 2010.
Tiyak na maraming matutuwang fans dahil marami ang nakaka-miss na sa kanyang paglalahad ng mga balita, seryoso man o simpleng pagbibigay lamang ng impormasyon.
Naging top-rater nga ang kanyang weekend show noon na Kay Susan Tayo na sari-sari ang kanyang mga ipinakita, sinubukan, at ginawan ng katatawanan para sa kanyang televiewers.
Natutuwa nga si Mareng Susan sa kanyang pagbabalik sa morning Kapuso show dahil muli niyang makakasama ang barkada na kinabibilangan nina Rhea Santos-Guzman, Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching-Pascual, Connie Sison, Pia Arcanghel, Ivan Mayrina, Drew Arellano, Love Anover, Lhar Santiago, Monica Verallo, Tonipet Gaba, Luane Dy, and Arnold Clavio.
Makakasama nga ni Mareng Susan si Arnold sa isang bagong segment na tatalakayin nila ang current and social issues. Matagal nang nagkasama ang dalawa, noong panahon na nagsisimula pa lang sila bilang news reporters.
Linda Ronstadt umaming may Parkinson’s Disease
Marami ang nalungkot sa nakumpirmang balita na may sakit na Parkinson’s Disease ang legendary singer na si Linda Ronstadt. May walong taon na palang may ganito siyang sakit pero ngayon lang naisapubliko. Dahil sa sakit na ito, hindi na magawang makaawit si Ronstadt.
“I couldn’t sing and I couldn’t figure out why. I knew it was mechanical. I knew it had to do with the muscles but I thought it might have also had something to do with the tick disease that I