Boyet nanghihinayang na nagpapatay agad sa Misibis

Hands-on si Christopher de Leon at ang kanyang Green Wings Entertainment Network sa pagpo-produce ng musical play na Lorenzo, the life of our first Filipino saint, si San Lorenzo Ruiz. Twenty four years ago pa ito dapat na­ting pelikula na si Boyet ang gaganap sa role ni San Lorenzo mis­mo pero masyadong malaki ang kakailanganin nilang budget dahil bukod sa pagtatayo ng set dito, may mga eksena pa silang dapat kunan sa Japan kung saan tortured to death si Lorenzo dahil ayaw niyang isuko ang kanyang faith.

Pero hindi ito nakalimutan ni Boyet dahil naging magan­da ang epekto nito sa kanyang buhay, as an actor and as a family man, gusto niyang ipaalam sa lahat ng mga tao lalo na sa mga Pinoy ang magandang story ni Lorenzo. Buhay pa noon ang kaibigang si Johnny Delgado at sinabing ipasulat niya ito sa mahusay na playwright na si Paul Dumon. Inihanda na ang lahat, si Maestro Ryan Cayabyab ang gumawa ng music at ididirek ito ni Felix “Nonon” Padilla. Pinasukan din ito ng modern sub plot ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na may napatay na Arabo, tulad din ni Lorenzo na kaya tumakas sa Pilipinas ay may napatay siyang isang Spaniard.

Unang target ni Boyet na makapanood ng play ay mga student kaya sa Sept. 5, 6, 7, 12, 13, at 14, 1:00 p.m. at 6:00 p.m., mapapanood ito sa SDA Theater of De Salle College of Saint Benilde sa Taft Ave., Manila. Susunod itong itatanghal sa St. Scholastica’s College sa Manila rin at sa 2014 ay magkakaroon ito ng run sa Cultural Center of the Philippines na gaganap na bilang isang Spanish friar si Boyet. Inihahanda rin nila ang provincial tour ng musical na may basbas nina Archbishop Socrates B. Villegas of Lingayen, Pangasinan at ni Cardinal Luis Antonio Tagle. Hihingi rin sila ng suporta sa Deparment of Education.

Si Lorenz Martinez (son of director Leo Martinez) will play the role of Lorenzo at si Poppert Bernadas ay un­derstudy.  Pero hindi tatalikuran ni Boyet ang paggawa ng movie and TV series dahil kapag nai-launch na nila ito, tuluy-tuloy na ang presentation nila. In fact, gusto na niyang magsimula sa bagong teleserye na makakasama niya sina Jericho Rosales, Angel Locsin, at Maja Salvador na ididirek ni Rory Quintos for ABS-CBN. 

Biro ni Boyet, nanghinayang nga raw siya nang akala niya ay magsisimula na silang mag-taping sa Channel 2, nag-request siya sa TV5 na hindi puwedeng magtagal ang character niya sa story ng Misibis Bay. Kung alam daw lamang niya, hindi na siya nagpapatay sa story at nag-stay pa siya nang matagal sa Misibis Bay dahil nag-enjoy siya roon habang nagti-taping sila. Final week na ng Misibis Bay ni Ritz Azul starting tomorrow, Aug. 26, pero hindi pa sila nagsisimula ng taping sa ABS-CBN.

Show comments