Hindi natuloy ang red carpet premiere night ng Ang Huling Henya ni Rufa Mae Quinto last Tuesday evening dahil sa matinding hagupit pa rin ng Habagat at ng bagyong si Maring.
Kahapon, August 21, nag-open ang movie ng Viva Films na dinirek ni Marlon Rivera, na medyo paminsan-minsan na lamang ang pag-ulan nang malakas, kaya si Rufa Mae mismo ang nagtu-tweet na showing na at panoorin ang kanyang movie dahil pinaghirapan niya itong gawin. Bukod kasi sa drama workshop niya sa PETA, hindi rin siya tumanggi na magkaroon ng paghahanda para sa kanyang mga action scenes. Kumuha siya ng boxing, muay thai at nag-aral siya ng firing, para maging creÂdible siya sa kanyang role.
Sa movie kasi, si Rufa Mae ay si Miri Alvarez, one of the best agents of an international group called The Agency who protects scientists and investors, kaya kailangang maging mahusay siya sa lahat ng bagay. Ibang-iba nga ang character ni Rufa Mae rito kaysa mga nauna na niyang ginawang pelikula. Pero may comedy scenes din.
Bandila kinalimutan ang starstruck ni Megan
Hindi binanggit sa news report ng Bandila last Tuesday evening, for the newly-crowned 2013 Miss World Philippines na si Megan Young na bukod sa produkto siya ng Pinoy Big Brothers Celebrity Edition 2, StarStruck 2 alumna rin siya GMA Network bago lumipat siya sa ABS-CBN.
Baka ayaw lamang nilang isama sa resume ni Megan na sa GMA siya talaga nagsimula. At nanalo siya ng kanyang beauty title sa GMA pa rin dahil sila ang media partner ng Miss World Ph.
Kris Lawrence nakabuo ng album dahil sa anak
Very proud dad to Baby Katie si R&B singer Kris Lawrence dahil inspiration niya ang anak nila ni Katrina Halili sa pagbuo niya ng first album niya na Spread the Love after he signed ng contract sa GMA Records. Nanalo si Kris ng Best Performer sa Sunday All Stars last Sunday at inamin niya sa launch ng album na todo talaga ang performance niya dahil gusto niyang patunayan sa kanyang team ang katuwaan niya nang pumayag silang kantahin niya ang sarili niyang composition na Sabihin Mo Naman.
May 12-tracks ang album at dalawa na rito ang ginamit na theme song ng soaps. Ang Sabihin Mo Naman ay isinama na sa soundtrack ng My Husband’s Lover at ang Ikaw Pala ang theme song ng Koreanovela na The Innocent Man. May collaboration track din sina Kris at Rachelle Ann Go, ang Unbreakable.