Sa Kris TV last Tuesday ay ipinakita ni Kim Chiu ang restaurant na pinagdausan ng ibinigay niyang surprise b-day party for Xian Lim, ang Patio Vera located in Marikina.
Nakakatuwa ang kuwento ni Kim na last year daw ay nagkaroon rin daw ng birthday party si Xian at ang na-invite ay mga kaibigan niyang hindi naman close ng aktor.
“Kasi parang ano, dati kasi nag-birthday din siya tapos parang ‘di niya friends ‘yung imbitado. Parang sabi niya, ‘birthday ko ba ‘to o birthday mo?’ Last year… kasi marami kami n’on, ka-close ko lahat so kaming magbabarkada lahat,†kuwento ni Kim.
Although happy naman daw si Xian that time, pero siyempre, mas gusto ng aktor na ang bisita ay mga close niya at sabi nga raw nito, ‘wala naman akong close rito, ‘di ba dapat ‘pag birthday, invited ‘yung mga close mo?’
Kaya this year, Kim made sure na close na ni Xian ang imbitado kabilang ang beloved mommy ng aktor.
“So ngayon, mommy niya tapos ‘yung mga best friends niya. So, happy na siya,†say ni Kim.
Dalawang kotse ni Alden Richards lumubog sa BAhA
Isa si Alden Richards sa naapektuhan ng bagyo at Habagat. Marami ang naalarma nang mabasa sa Twitter ng mga kaibigan ng young actor na ipagdasal ito at ang pamilya dahil nilubog na ng baha ang bahay nito sa Laguna.
Marami ang nag-text agad kay Alden para kumustahin siya at say ng young actor, binaha raw ang dalawa niyang kotse pero okay naman daw siya at ang pamilya niya.
Samantala, todo-promote ngayon si Alden ng kanyang self-titled album under Universal Records. Ilan sa mga kanta niyang ito ay mapapakinggan sa Sabado sa Zirkoh, Tomas Morato, birthday show ng kaibigang Roldan Castro na kung saan ay kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, Richard ‘Sir Chief’ Yap atbp. Para sa ibang detalye tumawag lang sa 09473835131, 7100352 or puwede ring bumili ng tickets sa SM Tickets.
Isa pang guest ng Men of Reel sa Sabado sa Zirkoh Morato ay ang balikbayan na si Tyrone Oneza na kagagaling lang sa Barcelona. Nagbabalik siya sa showbiz at tinatapos ngayon ang kanyang album with Vehnee Saturno.
Sa mga hindi nakakaalaam, dating artista si Tyrone. Miyembro siya noon ng That’s Entertainment ni German Moreno. Nagsimula siya sa showbiz noong 1987 at nakagawa ng ilang pelikula tulad ng Leroy, Leroy, Sinta at Sumayaw Ka Salome sa Seiko Films at Rebelde para sa Buffalo Films naman. Taong 1996 nang nakipagsapalaran siya sa Europe at dito nga siya naging matagumpay.
Sa pag-uwi ni Tyrone, magtutuluy-tuloy na siya sa pag-focus sa singing career niya at kagabi nga ay katatapos lang niya ng comeback show niya sa Cowboy Grill at meron ulit ngayong Sabado.
Balak ni Tyrone na magpatayo ng isang simbahan sa lugar kung saan siya nagmula, sa Talim Island sa Binangonan.