Dahil minamadaling ipasok Got to Believe inaabangan kung kapupulutan ng aral
MANILA, Philippines - Gaano ba kaganda at kapupulutan ng moral lesson ang Got to Believe na inaapurang ipalit kaagad sa Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos? Atat na atat sila sa tambalan ng magkababayang taga-Cabanatuan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Hindi naman kaya ’yung tipong ligawan lang nang ligawan na kontra ang mga magulang?
Huwag naman sanang patagalin ’yung gasgas na ideya na tipong mayaman ’yung lalaki (Daniel) at iibig sa isang mahirap (Kathryn). Something new naman sana, tutal excited kayong ipasok na ito sa ere. Aber nga, abangan natin.
Tirso pinagamit pa ng bulaklak magmukhang bading lang
Bakit daw kaya pumayag si Tiro Cruz III na pumayag gumanap na closet queen sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala? Pilit na pilit kasing tingnan na ipinasok sa istorya na bading pala si Pip. Para ba ito makaagapay sa kalabang My Husband’s Lover sa GMA?
Hindi raw kasi bagay kay Pip lalo’t gumamit pa ng bulaklak ang kanyang karakter para magmukhang girl. Naku, ayaw ni Nora Aunor ng ganyan!
Personal…
Maligayang bati sa bagong mayora ng Baliuag, Bulacan na si Dr. Carol Dellosa! Binabati rin namin siya sa pagpapagandang ginawa sa aming bayan. Bawal na ang nagkalat na vendors, mga tricycle sa palengke, at ang paggamit ng colorum na sasakyan. In short, bawal magkalat sa kalsada.
Binabati rin namin si Mark Jayson Castro ng San Pedro, Bustos, Bulacan sa kanyang darating na kaarawan sa Aug. 21.
- Latest