Matapang na bata Mona Louise mag-isang nagtuturok ng insulin at nagte-test ng blood sugar!
Today, Aug. 19, is the ninth birthday of child actress Mona Louise Rey. Last Saturday, she celebrated her birthday at the Institute on Studies for Diabetics in Marikina City, sa tulong ng GMA Artists Center Events Activity. Nakisaya si Mona sa mga bata na as young as two years old ay diabetic na.
At message nga niya sa mga bata, humawak lamang sila kay God, tulad din ng paghawak niya sa pamamagitan ng prayers.
Seven years old si Mona. Habang ginagawa niya noon ang Munting Heredera ay saka na-diagnose na siyang may diabetes pero beauty pa rin ang bagets kahit pa Type 1 na o insulin-dependent na siya. Alam ba ninyong once a day ay siya na mismo ang nag-i-inject sa sarili niya ng insulin at nagpi-prick ng kanyang finger para malaman kung mataas o mababa ang blood sugar niya?
Pero laging nakaalalay sa kanya ang Mommy Fatima niya na natuwa nang malamang kasama si Mona sa YES! 100 Most Beautiful Stars. No problem daw sa kanya kung wala pang project si Mona after ng Bukod Kang Pinagpala dahil nakakapahinga naman ang anak na Grade 3 na sa St. Monique College in Sta. Mesa, Manila.
Sen. Grace isusulong ang libreng lunch sa public schools
Muling nagpasalamat ang numero unong senador ng bansa, si Sen. Grace Poe-Llamanzares sa entertainment press at kay Mother Lily Monteverde sa pamamagitan ng isang thanksgiÂving lunch sa Victorino’s restaurant sa Quezon City. Hindi raw niya malilimutan ang suporta ng media na alam niyang malaki ang nagawa para sa kanyang tagumpay.
Biniro si Sen. Grace kung may nabago na ba sa kanya sa more than two months na niyang nakaupo sa Senado. Say niya, wala pa nga siyang opisina dahil inaayos pa ang ibinakanteng office ni Senate President Frank Drilon na magiging opisina niya. Nakiki-opisina raw muna siya sa ibang senador pero siniguro naman niyang nagpa-function na ang kanyang office sa pagtupad ng tungkulin niya. Nami-miss na niyang magpunta sa tiangge, minsan ay nag-try siya pumunta sa Greenhills, pero siya ang napahiya nang ang daming gustong magpa-picture sa kanya.
Gusto niyang ma-appove ang bill na nai-file na tungkol sa libreng lunch sa mga mapipiling public school. Aware raw siya na maraming mga school children ang pumapasok sa school na hindi pa kumakain. If ever, may mga agency na siyang bibigyan ng responsibilidad para maisakatuparan ito.
- Latest