^

Pang Movies

Sharon may demanda na rin, magiging suki na sa korte

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May ipinabasa sa aming isang document na naglalaman ng demanda ni Sharon Cuneta laban sa sinasabi niyang mga taong pumalsipika ng kanyang pirma, at ng pirma rin ng ilan niyang kasosyo sa negosyo, para ang pagmamay-ari ng isang lote sa Morato St. sa Quezon City ay mailipat sa pangalan ng iba. Ang tunay na may-ari ng lupang iyon ay ang Sharon Cuneta, Inc., isang property hol­dings company na pag-aari ng Megastar.

Hindi raw nalaman ni Sharon kung paano nangyari na nakalusot ang fake na pirma niya, at ang fake na minutes ng meeting ng board ng kanyang kumpanya na nagsasabing pinapayagan nila ang pagsasalin ng ownership ng lupa sa pa­ngalan ng iba.

Maganda sanang kuwento pero alam naman ninyo na basta ang isang kaso ay nakasampa na sa korte ay nasasaklawan na ’yan ng subjudice rule. Ibig sabihin, wala nang dapat makialam dahil ma­aaring maimpluwensiyahan ng opinion ng ibang tao ang korte sa kanilang gagawing desisyon.

Tutal nakaharap na iyan sa husgado, titingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa mga pagdinig sa kaso at kung ano ang magiging desisyon ng korte.

Pero ang mga ganyang kaso, karaniwan na sa mga artistang kagaya ni Sharon kasi nga masyado silang busy sa kanilang career. Tingnan na lang ninyo, halimbawa si Sharon, kung ilang buwan siyang nawala sa Pilipinas dahil sa isang concert series sa abroad. Kung narito man siya, busy pa rin siya sa napakaraming trabahong kaila­ngan niyang harapin. May trabaho siya sa telebisyon, bukod pa nga sa ibang bagay na kailangan niyang intindihin, kaya ang mga bagay na may kinalaman sa properties at iba pang bagay ay naipagkakatiwala na lang niya sa iba at kung minsan hindi na nga siya nagkakaroon ng panahon para matanong pa kung ano ang nangyayari sa mga property. Tingnan ninyo ang nangyari, huli na nang malaman niya.

Ngayon ay kailangan na niyang dumulog sa korte para mahabol ang kanyang property.

Aktres iniligtas pa sa kahihiyan ng network kahit tv show bagsak na

Emote na emote at nagsimulang nagmukhang galit ang isang aktres at pagkatapos bigla na lang siyang naiyak nang sabihin sa kanya ang katotohanan ay hindi talaga nagre-rate ang kanyang TV show at ang totoo ay gusto lamang siyang iligtas sa kahihiyan ng network kaya pinagawa pa siya ng isa pa, kahit na ang huli niyang ginawa ay bagsak na rin.

Mahirap yata talaga sa isang artista at napakasakit kung sinasabi sa kanilang hindi na sila sikat. Laos na sila.

vuukle comment

AKTRES

IBIG

ISANG

KUNG

MAGANDA

MORATO ST.

QUEZON CITY

SHARON CUNETA

TINGNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with