Nabuko Rufa hindi mapatul-patulan ni Fabio dahil sa nakaraan nila ni Akihiro

MANILA, Philippines - Pinairal ni Fabio Ide ang respeto at pakikisama kay Rufa Mae Quinto kaya naman kahit natikman na nito ang mga labi ng bida sa Ang Huling Henya at nagsama na sa seksing pictorial, hanggang friendship lang ang nangyari sa kanila.

Muling magkasama sina Rufa Mae at Fabio sa bagong movie ng seksing komedyante dahil patuloy pa rin ang nasimulan nilang friendship kahit loveless ngayon ang bida ng movie.

“Minsan, mahirap to resist her but I am still very strong and we’re still very close, very good friends. Our friendship is still growing day by day kasi maraming trabaho kasama si Rufa. Talagang masaya kami sa trabaho. Sa eksena namin. A lot of people say na we have a relation pero hindi totoo ‘yan,” pahayag ni Fabio sa presscon at sumabat si Rufa Mae.

 â€œBakit nga wala kang malisya sa tagal? Hindi kasi may movie na kami before. May kissing scene na kami. ’Tapos talagang kaswalan, nag-practice kami. Kasi model siya ’di ba? Hindi niya alam na may cinematic kiss.

“Sabi ko, gano’n-gano’n muna. Pero wala namang malisya kasi nagwo-work. Gusto ko ring malaman as a person kasi parang kung magkasama kami, siyempre, nakakahiya namang tanungin, ’di ba? How come? Yessss!” tanong ni P-Chi habang nakatingin kay Fabio.

“Ngayon, kahit ako, kaya ko siya love, kasi parang… hindi kasi lahat ng lalaki gano’n. Isa siya sa naging kaibigan ko… isa o dalawa lang ang lalaking kaibigan ko na hindi nag-a-aura! Unless hindi ko napansin. They tried something. Charot!” sabi pa ng Huling Henya.

Hindi nga raw nag-attempt si Fabio na ligawan si Rufa Mae.

“Kaibigan kami eh. Saka professional ako sa trabaho eh. Parang weird if I go over her more than just work. We’ll never know what will happen in the future pero right now we’re really good friends. Professional talaga kami. Napakasaya talaga kami,” saad ng Brazilian model.

Eh kumusta naman ang kiss ni P-Chi?

“The kiss was really good! Masarap!” deklara ni Fabio.

“’Tapos nung isang araw, nag-pictorial kaming dalawa. ’Tapos bigla na namang naka-T back ’yung outfit! Fine. Lalabas ’yan sa Sabado. Start na siyang nakahubad. Eh wala nang choice kasi nagmamadali siya. Seven aalis na siya. Eh natapos kaming mag-make up and all, seven? Ang ginawa ko…I’m sure, nakita ninyo rin, ’di ba? Nakaupo, humiga, at ginawa ko na siyang kama and all! Parang wala. Hahaha! Ewan ko ba. Bakit nga ba? Charot!” chika ni P-Chi.

Si Fabio naman ay hanga talaga sa sexy comedienne.

“I just told her…Sinabi ko sa kanya na ang ganda mo. Mabait ka sa akin. Lahat. I just told her na if she didn’t have my best friend (Akihiro Sato) before, maybe one day we could be… You were together dati, ’di ba?” tanong ni Fabio kay P-Chi.

“Well, past is past!” natatawang sagot na lang ni Rufa Mae.

Ilang buwan lang naman lang daw silang naging close ni Akihiro pero hindi lumalim ang relasyon nila dahil that time ay bumalik sa Brazil ang Brazilian model at hindi na niya magawang hintayin pa ito.

Anyway, sa Aug. 21 ang showing ng Ang Huling Henya kung saan kakaibang Rufa Mae ang masasaksihan ng manonood sa kanya. Mula ito sa director na si Marlon Rivera na gumawa ng Ang Babae sa Septic Tank.

 

 

Show comments