Pera ang dahilan kampo ni Cesar itinanggi ang panggagahasa, Sunshine nagpapabili raw ng bahay worth P15 M at P350K ang gustong sustento
Kahapon ay nagbigay ng mga panayam ang mga abogado nina Cesar Montano at Sunshine Cruz hinggil sa isinampang kaso ng aktres laban sa asawa under Anti-Violence Against Women and their Children case.
Nagharap sina Atty. Joel Ferrer (Cesar’s legal counsel) at Atty. Bonifacio Alentajan (abogado ni Sunshine) kahapon sa Unang Hirit sa segment na Talakayan with Igan.
Itinanggi ng lawyer ni Cesar ang akusasyon ni Sunshine na ni-rape siya ng asawa noong May 12.
“Noong Mother’s Day na tinutukoy, na ginahasa siya, nung araw na yun, nag-text si Shine kay Cesar, inimbita para mag-dinner sila kasama ang mga bata. Nag-dinner ho yung pamilya,†pahayag ni Atty. Ferrer.
“After dinner, komo’t nag-enjoy naman sila, walang away eh, sa bahay ni Shine natulog si Cesar at kinabukasan na ho umuwi, umalis si Cesar doon,†the lawyer added.
Ayon pa sa abogado, nagulat daw si Cesar sa akusasyon ni Sunshine dahil may mga palitan pa raw ng sweet text messages sina Cesar at Sunshine pagkatapos matulog ng aktor sa bahay ng asawa.
Ang sabi nga raw ni Cesar, “Ano’ng panggagahasa, e, dun ako natulog?â€
Ayon pa kay Atty. Ferrer, nasa kanila pa ang mga text messages ni Sunshine at pwede raw gamiting ebidensiya ang mga iyon.
Pero pinaninindigan naman ng abogado ni Sunshine na talagang may panggagahasang naganap.
Tungkol naman sa reklamo ni Sunshine na ayaw ibigay sa kanya ni Cesar ang mga anak since July 29, ayon kay Atty. Ferrer ay nasa poder ng kliyente niya ang tatlong anak dahil gusto raw ng mga ito na makasama ang ama.
At ang pinaka-matindi, idinagdag pa ng kampo ni Cesar na nagpapabili raw ng bahay si Sunshine na worth P15 to P11 million at inaapela raw ng aktres na ‘wag babaan ang kanyang monthly support na P350,000 sa P100,000. Ito umano ang dahilan kay nag-demanda si Cesar.
Gary binalikan ang mga panahon sa tavern
Nag-enjoy kami sa Tuesdays with Gary ni Gary Valenciano na ginaganap every Tuesday sa Teatrino sa Promenade, Greenhills. Nagsimula last Aug. 6 ang nasabing concert series at nanood naman kami last August 13.
Inspired ang Tuesdays with Gary sa early years ni Gary V. bilang performer when he used to have gigs sa Tavern on the Square during the 80’s.
Kaya naman ang repertoire ni Gary ay binubuo ng mga requested songs sa kanya during his legendary gigs sa Tavern, at siyempre pa, ang ilan sa kanyang mga well-loved hits.
Kakaiba ang nasabing concert series sa mga concerts niya sa malalaÂking venues he filled up for the past 30 years gaya ng Araneta Coliseum, ULTRA, Folks Art Theater, Luneta Grandstand et al.
“It’s been quite a while since I did a series of shows in a very small venue,†sabi ni Gary. “I’m excited to sing numbers that I used to perform 30 years ago. Of course, I will also sing my own OPM songs.â€
Gary performed the 80s songs tulad ng Boogie Wonderland (with AJKA Jam), Ladies Night (with AKA Jam), I’ll Write a Song For You, For Once in My Life, Realization medley (80’s Love Songs) at sa kanyang mga OPM Hits naman, of course, puwede bang mawala ang Hindi Bale Na Lang na talaga namang patok na patok pa rin up to now sa audience. Hindi na namin sasabihin ang buo niyang repertoire for the benefits ng mga hindi pa nakakapanood. Gustung-gusto rin namin ang part kung saan ay tumutugtog siya ng piano while singing.
Na-miss lang namin sa show ang dalawa niyang anak na sina Gab and Paolo Valenciano na lagi niyang guests sa kanyang mga concerts. Gustung-gusto naming pinapanood ang pagpe-perform ng mag-aama sa stage but as we all know, kakakasal lang ni Paolo at si Gab naman ay kasalukuyang nag-aaral sa US.
Samantala, kare-renew lang ni Gary V. ng kontrata sa ABS-CBN.
Tuesdays with Gary will run in all Tuesdays of August and September. Magtatapos ito on Sept. 24 at ang next set is on Aug. 20.
- Latest